Advertisers

Advertisers

‘Revilla ‘di pa bayad sa P124.5-M civil liability sa Sandiganbayan’

0 4

Advertisers

INIHAYAG ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi pa rin umano nababayaran hanggang ngayon ni dating Senador Bong Revilla ang P124.5 million civil liability na ipinag-utos ng Sandiganbayan.

Ito ay kaugnay sa kanyang plunder at graft cases na may kinalaman sa pork barrel scam.

Kinumpirma ni Remulla, bagama’t nakapagpiyansa si Revilla ng isang milyong piso sa kanyang kasalukuyang kasong malversation ay nananatili pa rin umano ang obligasyon nitong isauli sa gobyerno ang naturang halaga bilang civil damages.



Noong 2018, napawalang-sala si Revilla sa kasong plunder pero inatasan ng Sandiganbayan na magbayad ng P124.5 milyon sa National Treasury.

Noong Biyernes nang makalaya si Revilla matapos payagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa sa kasalukuyan niyang kinahaharap na kasong graft at malversation kaugnay ng umano’y maanomalyang P92.8 million flood control project sa Pandi, Bulacan.



Sinabi rin ni Remulla na inaasahan na nilang papayagan si Revilla na makapagpiyansa at iginiit na ipagpapatuloy ng Office of the Ombudsman ang lahat ng legal na hakbang sa kaso.

Sinabi naman ng kampo ng dating Senador na ang pagpayag ng korte sa piyansa ay patunay umano na hindi malakas ang ebidensya ng prosekusyon laban sa dating senador.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">