Advertisers

Advertisers

Imee sa Pax Silica: ‘Huwag isakripisyo ang magsasaka!’

0 4

Advertisers

KINUWESTIYON ni Senador Imee R. Marcos ang pagpapatuloy ng kontrobersyal na Pax Silica Project sa Capas, Tarlac matapos lumabas na nagsimula na ang pagtukoy sa mga maaapektuhang lugar nito.

Ayon kay Marcos, hindi dapat isakripisyo ang kabuhayan ng mga magsasaka at mga katutubo kapalit ng mga ipinapangakong pamumuhunan.

Dapat aniya munang magsagawa ng malinaw at sapat na konsultasyon ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa mga residente bago ang anumang pagsukat ng lupa o land acquisition.



Lumabas sa mga ulat na tinatayang 1,600 ektarya ng lupa ang maaapektuhan ng proyekto, kabilang ang mga lupang sinasaka ng 92 magsasaka at mga komunidad ng Aeta, kahit wala pa umanong isinagawang pampublikong konsulta-syon.

“Hindi sapat ang pangakong bilyong dolyar na puhunan at trabaho kung ang kapalit naman ay kabuhayan ng ating mga magsasaka at mga katutubong kapatid. Bago ang anumang investment, dapat munang tiyakin na hindi naaagrabyado ang mga taong umaasa sa lupa para mabuhay,” ani Marcos.



Binigyang-diin din niya na dapat sumunod ang proyekto sa itinakda ng Department of Agrarian Reform Administrative Order No. 1, Series of 2002 kaugnay ng land use conversion.

Hiniling din ng senador na imbestigahan ang mga reklamong may ilang magsasakang umano’y pinatitigil nang magtanim at nakararanas ng pananakot.



Nagbabala rin ang senador na mangangailangan ang proyekto ng napakalaking suplay ng tubig at kuryente para sa pagproseso ng rare earth at critical minerals. (Mylene Alfonso)