Advertisers
MARIING tinanggihan ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang imbitasyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na personal na inspekusyunin ang mga flood control projects sa Taguig matapos ang kanilang mga palitan ng alegasyon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Lacson na pupunta lamang siya sa lungsod kapag naayos na umano ang flood control projects rito.
Biro pa ng senador, matagal na umano siyang hindi nakakapaglangoy at baka malunod lamang siya sa baha ng Taguig.
Nauna nang inimbitahan ni Cayetano si Lacson at ang kaniyang mga tauhan na bumisita sa Taguig upang makita mismo na natapos at hindi ghost projects ang mga flood control at iba pang imprastraktura na kanyang ipinagmamalaki.
Magugunitang nagsagawa si Lacson ng sarili niyang fact-finding investigation umano’y mga ghost infrastructure projects sa Taguig na sinasabing ipinasok ni Cayetano sa 2025 national budget. Naipasa na rin aniya ang resulta ng kanyang imbestigasyon sa Office of the Ombudsman.
Nag-ugat ang palitan ng pahayag ng dalawang senador matapos na kuwestyunin ni Cayetano ang pagtaas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Lacson.
Igiinit naman ni Lacson na galing ito sa kaniyang mga lehitimong negosyo ng mga panahong hindi siya naninilbihan bilang senador.