87 bagong immigration officers nagtapos mula sa academy
Advertisers
MAY kabuuang 87 na bagong immigration officers ang nagtapos sa academy na ginanap sa isang seremonya nitong Martes sa Pasay City.
Ang seremonya ay ginawa sa Government Service Insurance System (GSIS) theater, na nagsilbi bilang pagtatapos ng mga pagsasanay para sa Class 25 and 26 ng immigration officers na kumuha ng Border Control Officers Module (BCOM) I sa BI’s academy sa Clark, Pampanga.
Sina Atty. Ronaldo P. Ledesma, Chief of the BI’s Board of Special Inquiry and Learning and Development Section, habang sina Immigration officers Ana Lorraine Manalo at Marc Erico Ong ang nagbigay ng kanilang valedictory address para sa kanilang klase.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang mahigpit na pagsasanay na ginawa ng mga immigration officers ang pinakatampok sa kanilang ginawang training bago sila italaga sa kani-kanilang mga assignment.
“These new immigration officers have been trained to serve following our core values of patriotism, integrity, and professionalism,” sabi ni Tansingco.
“We trust that the new batches remain faithful to their duties as defenders of our borders,” dagdag pa nito.
Pinaalalahanan din ni Tansingco ang mga bagong officers na siguraduhin na maayos ang kanilang ugali at asal kapag nasa frontlines na sila dahil hindi niya aniya kukunsintihin ang anumang ulat na inappropriate o unprofessional behavior.
Ang mga bagong immigration officers ay itinalaga na sa iba’t-ibang frontline offices ng BI sa buong bansa. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)