Advertisers

Advertisers

‘MARCOS JR DUWAG!’

0 42

Advertisers

BINIRA ng labor lawyer na si Luke Espiritu sina Presidente Ferdinand Marcos, Jr. at kanyang predecessor na si Rodrigo Duterte sa gitna ng kanilang sagutan.

Tinawag ni Espiritu, natalong senatorial candidate sa nakaraang halalan, si Marcos Jr. na “duwag”.

“Marcos, galawang duwag.
Duterte, galawang bayad (ng China).
Budol can only get you so far. Assholes,” post niya sa X 7:59 ng gabi ng Miyerkules, Enero 31, 2024.



Sinabi ni Espiritu na si Duterte ay alipores ng China.

Nitong Linggo, Enero 28, 2024, sa leader’s forum sa Davao City ay halos 20 beses minura ng anak ni Duterte na si Mayor Sebastian “Baste” si Pangulong Marcos Jr. Tinawag niya itong “tamad”, “walang utang na loob” at pinagbibitiw sa puwesto.



Kinagabihan ng araw ding iyon sa people’s rally sa lungsod, ipinagsigawan ni ex-President Duterte na si Marcos Jr ay “adik na presidente” at nasa drug watchlist daw ng PDEA. At nitong Miyerkules ay hinamon niya si PBBM na magpa-drug test.

Ang tanging sagot dito ni Pangulong Marcos Jr ay epekto lamang ng Fentanyl ang mga namutawi sa bibig ng dating pangulo.



Ang Fentanyl ay malakas na gamot bilang pain reliever, na inamin noon ni Duterte na gumagamit siya matapos maaksidente sa pagmomotorsiklo noong mayor pa siya ng Davao City.

Pero ang Fentanyl ay nakakaadik na droga na malakas ng 50 times sa heroin at 100 times na matapang sa morpina.