Advertisers

Advertisers

PABRIKA NG PAPUTOK SUMABOG: 5 NATUSTA

0 74

Advertisers

NASAWI ang lima katao at anim ang sugatan sa pagsabog sa isang pagawaan ng paputok sa Cabuyao City, Laguna, Martes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina John Ronald Gonzales Deduro, 23 anyos; Marvin Lamela Ocom, 27; Bebot Reymundodia, 44; at Ricardo Olic-Olic, 51.

Nilalapatan naman ng lunas ang mga sugatan sa Ospital ng Cabuyao nang magtamo ng mga paso sa katawan.



Sa report, 3:30 ng hapon nang maganap ang pagsabog sa Diamond Fireworks Inc. factory na matatagpuan sa arangay Bigaa, Cabuyao City.

Nabatid na abala sa paggawa ng mga paputok ang mga biktima nang magkaroon ng pagsabog at malaking sunog.



Sa lakas ng pagsabog, nasawi noon din sina Deduro at Ocom at pagkakasugat ng ilang biktima.

Dakong 4:26 ng hapon nang maideklarang fireout ang sunog at natagpuan ang labi ng 2 katao sa clearing operation.



Binawian naman buhay sina Reymundodia at Olic- Olic habang nilalapatan ng lunas sa ospital sanhi ng tinamong matitinding sunog sa katawan.

Nanawagan si Cabuyao Mayor Dennis Hain sa mga ospital sa lungsod at mga tindahan ng gamot na magbigay ng tulong medikal sa mga biktima, na sinasabing sasagutin ng lokal na pamahalaan ang mga gastos sa mga pagpapagamot.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa sunog.

Sinabi ni Hain na may lisensya ang pabrika at 20 taon na ang operasyon nito.(Mark Obleada/
Koi Laura)