Advertisers

Advertisers

Sen. Bato papaputol ang leeg ‘pag napatunayan si VP Sara ang nagpasimula ng Oplan Tokhang sa Davao

0 10

Advertisers

HANDANG putulin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang kanyang leeg sakaling totoo ang mga akusasyon na si Vice President Sara Duterte ang nagpasimula ng “Oplan Tokhang” sa Davao City.

“Isa lang ang masasabi ko d’yan, ‘yang sinasabi niya ngayon na bago na naman niyang version na dinadawit niya si Inday Sara sa sinasabi niyang Tokhang, paputol ako ng leeg. Paputol ako ng leeg kaagad kung ma-prove niya ‘yan na si Sara ang nasa likuran niyan,” sabi ni dela Rosa sa panayam sa Davao City.

Si Dela Rosa ang nagpatupad ng “Oplan Tokhang” sa buong bansa sa panahon ng kanyang termino bilang chief ng Philippine National Police noong 2016 na tinukoy ni sa mga alegasyon na ginawa ni dating Davao Senior Police Officer Arturo “Arthur” Lascañas.



Sinabi ni Lascañas na ang Bise Presidente, sa kanyang termino bilang alkalde ng Davao City, ang naglunsad ng Oplan Tokhang noong 2012 at nagtalaga kay dela Rosa bilang chief of police ng lungsod.

Ang akusasyon ay nauna nang itinanggi ni dela Rosa, Vice President Duterte, gayundin ni Senador Bong Go ang mga paratang.



“Kaya nga ang hirap nito ah ‘yung kanyang statement. Ano ba yan? Depende sa sinong nagbabayad o sinong nagpapasabi ng kanyang statement? Matagal na yan eh. That’s more than six years ago… Ngayon may ibang bersyon na naman siya,” diin ni Dela Rosa.

“Kayo? Maniniwala pa kayo d’yan? May bagong bersyon na naman ngayon. Naisama na naman si Inday Sara… Hindi na katotohanan ‘yung sinasabi niya… Depende ‘yan so kung sinong… gustong idiin? Ganoon pala yan?” patuloy ng senador.



Ani Dela Rosa, “kumbinsido” siya at “batid” na may nag-utos kay Lascañas na gumawa ng mga akusasyon.

“In due time we will know. Hindi ko na lang sabihin ngayon… Nagkakataon lang ba ito? Kung kailan ito uminit ‘yung isyu about [people’s initiative], pinalabas na naman si Lascañas? Ano ito? The people behind Lascañas ay naka-connect lang naman sa people behind the PI? Napakalaking coincidence… coins ba? ‘Coins-idence,’” dagdag pa niya. (Mylene Alfonso)