Advertisers

Advertisers

Pagpatay kay Joey Llana solved!; Lider ng Conception gang utak sa krimen

0 6

Advertisers

LUTAS na ang kaso ng pagpatay sa radio broadcaster sa Albay na si Joey Llana.
Ito ang kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI)-Bicol Team Leader, Atty. Felipe Jessie Jimenez.

Kinumpirma rin ni Jimenez na ang Conception Criminal Group ang may-gawa ng naturang krimen base sa mga dokumento at forensics ng PNP sa mga baril na ginamit.

Ayon kay Jimenez, ang lider ng grupo na si Gilbert Saysay Conception ang mismong nag-utos sa gunmen na patayin ang broadcaster.

Hanggang dito lang aniya ang kanilang imbestigasyon at wala pa silang impormasyon sa kung sino o kung mayroong nag-utos kay Gilbert na gawin ang krimen.

Hulyo 20, 2018 nang pagbabarilin si Llana habang nagmamaneho ito ng sasakyan at paatras pa lamang ng garahe sa kanyang bahay sa Barangay Peñafrancia, Daraga.

Ayon sa ilang kaanak nito, nangyari ang insidente nang papunta si Llana sa radio station na kanyang pinagtatrabahuhan sa Legazpi City.

Lumabas din sa imbestigasyon ng mga pulis na 4:00 ng madaling araw isinagawa ang pagpatay, 14 beses itong pinutukan.

Napag-alaman din na ilang beses nakatanggap ang broadcaster ng death threats mula pa 2017.