Advertisers

Advertisers

P3m shabu nasabat. 3 arestado sa Laguna

0 27

Advertisers

AREDSTADO ang tatlong ‘high value individual’ (HVI) at nasamsam ang P3 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Magano Street, Barangay Maytalang, Lumban, Laguna.

Nagsagawa ng anti-drug operation ang pinagsanib na drug operatives ng Laguna Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence,PNP Drug Enforcement Group/Special Operations Unit 4A, Regional Highway Patrol Unit 4A, at Lumban Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Kinilala ang mga nadakip sina alyas “Fred”, 47 anyos; alyas “Jim” 50; at alyas “Cynthia”, 20; pawang residente ng Lumban at nakatalang HVI ng Laguna PPO’s Drugs Watchlist.



Nakuha sa mga suspek ang 6 transparent sachet ng shabu na may timbang na 550 gramo at nagkakahalaga ng P3,740,000.00.

Pinuri ni PRO CALABARZON Regional Director, Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, ang tagumpay na ito ng Drug Enforcement Units ng PRO 4A. Inatasan din niya ang anti-drug units ng rehiyon na magsagawa ng masusing imbestigasyon para matunton ang pinanggagalingan ng ilegal na droga sa Lumban. (Roy Tomandao)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">