Advertisers
HIMALANG nakaligtas sa dalawang tama ng bala ng baril ang kapitan ng Barangay Mag-Asawang Sapa, Sta. Maria, Bulacan, Sabado ng gabi.
Sa report na ipinadala ni Lt. Colonel Voltaire Rivera kay PNP Provincial Director, Col. Relly Arnedo, kinilala ang biktima na si Julian Rosillas, 59 anyos, ng Barcial St. sa nabangit na barangay.
Sa ulat, 8:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril ng hindi nakilalang mga salarin na armado ng maikling kalibre ng baril lulan ng kulay itim na motorsiklo.
Nabatid na nasa labas ng barangay hall ang biktima nang sumulpot ang mga salarin at walang sabi-sabing pinaputukan ang kapitan, na tinamaan sa kaliwang bahagi ng kanyang tiyan.
Mabilis na tumakas ang mga salarin, habang isinugod sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital ang biktima na nasa ligtas nang kalagayan.
Nagsasagawa na imbestigasyon ang mga pulis sa krimen.(Thony D. Arcenal)