Advertisers
ARESTADO ang ina sa pagtulong sa live-in partner na gahasain ang menor-de-edad niyang anak sa loob ng dalawang taon sa Cauayan City, Isabela noong Huwebes.
Kinilala ni Cauayan City Police Station (CCPS) commander Lt. Colonel Ernesto Nebalasca Jr., ang suspek sa alyas “Ruby”, 32 anyos, number 1 most wanted person ng Cagayan Valley (Region 2).
Ayon kay Nebalasca, base sa arrest warrant na ibinaba ni Judge Mary Jane Socan Soriano ng regional trial court (RTC) Branch 19, Cauayan City, mayroong 9 counts rape si Ruby at walang inirekomendang piyansa rito.
Sa rekord ng CCPS, nahuli ang ka- live-in ni Ruby December 2023 at nahaharap sa parehong kaso.
Napag-alaman siyam na beses ginahasa ng kinakasama ni Ruby ang biktima simula 2022 hanggang 2023.
Sinabi ng pulisya na dinala ni Ruby at kanyang kinakasama ang biktima sa isang hotel noong nakaraang taon kungsaan ito minolestiya.
Ani Nebalasca, inilipat ang mga suspek sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).