Advertisers
NASAWI sa pamamaril ang dalawa katao, habang arestado ang isa sa dalawang salarin, Sabado ng gabi sa San Mateo, Rizal.
Kinilala ni Lt. Colonel Rodolfo Santiago ll, hepe ng San Mateo PNP, ang mga nasawi na sina Romeo Precentacion, 39 anyos; at Roel Roxas, kapwa ng Brgy. Dulong Bayan, San Mateo.
Arestado naman ang isa sa salarin na si Arthur Andrada, 37; habang tinutugis ng pulisya ang nakatatandang kapatid nito na si Amante, 39, kapwa ng Alberto Birmingham St., Bgy. Guitnang Bayan 1.
Nangyari ang pamamaril 10:30 ng gabi sa Bankers Avenue, Brgy., Guitnang Bayan.
Ayon sa hepe ng pulisya, nadamay lang ang mga nasawi dahil madalàs itong makita ng salarin na kasama ng kanilang kaaway.
Isa sa ikinagagalit ng mga salarin ay ang pagtatambak ng construction materials ng contractor sa lugar na pinaniniwalaang sagabal sa daanan ng mga akusado.
Sasampahan ng kasong ‘murder’ ang magkapatid na salarin. (Edwin Moreno)