“MY SASSY GIRL” Nina Toni At Pepe Certified No.1 Hit Movie In PH; Jules Graeser Proud Sa Composition Ni Vehnee Saturno Ng MAARI BANG IBIGIN KA”
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
NA-break nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera ng Filipino adaptation nila ng “MY SASSY GIRL” ang record ng mga pelikulang ipinalabas last January na mga hindi gaanong kumita sa takilya. Well, maliban sa pre-sold na itong 2001 hit Korean movie, super ganda ng Pinoy adaptation nito kung saan hindi lang nagpatawa pareho ang karakter nina Sassy (Toni) at Pepe bilang si Junjee.
Yes, paiiyakin din kayo ng pelikulang ito at pakikiligin na tamang-tama at Feb-ibig month na. At certified No.1 movie sa PH ang My Sassy Girl, na kumita ng 5.2 million (still counting) sa opening day nito last January 24 sa 179 cinemas nationwide.
At dahil kumita nga ay mapapanood na sila sa over 200 cinemas. Bongga at tinangkilik talaga ang first team-up nina Toni at Pepe at nagpapasalamat ang dalawa kasama ng kaibigan nila at director sa movie na si Fifth Solomon sa magandang outcome sa takilya ng My Sassy Girl.
Sa opening day ay nag-theater tour sina Toni at Pepe at punung-puno ng tao ang ilang sinehan na kanilang binisita at doon ay personal silang nagpa-thank you sa mga nanood ng kanilang rom-com movie na produced ng TinCan (owned by Toni and Direk Paul Soriano) na distributed ng Viva Films. Naging star-studded pala ang Red Carpet ng movie sa SM Megamall Cinema kung saan maliban sa showbiz couple na sina Mariel Rodriguez at Sen. Robin Padilla ay dumating ang lahat ng mga kaibigang co-social media influencers ni Toni tulad nina Zeinab Harake, Team Payaman Cong TV at wife na si Viy Cortez, Boss Toyo ng PINOY PAWNSTARS. At syempre, in full force na dumalo sa said premiere night ang pamilya ni Toni, her husband Direk Paul, sister Alex and husband Lipa Councilor Mikee Morada and parents Mommy Pinty and Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga. Also his Uncle Jojo. May libreng pa-milk tea sa entertainment press and vloggers ang HAPPY CUP ni Mommy Pinty na super yummilicious.
***
SINCE 80’s ay maraming pinasikat na recording artists ang veteran writer-composer at hit maker na si Vehnee Saturno at lahat sila ay tinitingala ng fans hanggang ngayon. Now, ang kilalang multi-awarded singer and talk show host sa Los Angeles, California na si Jules Graeser ang ginawan ng komposisyon ni Tito Vehnee para sa very catchy OPM lovesong na “MAARI BANG IBIGIN KA?”
Nang una naming marinig ang single na ito ni Jules ay nainlove agad kami sa kanta niya dahil sa kanyang very oozing and quality voice at magandang lyrics at melody nito. I’m sure once na mapakinggan niyo ang Maari Bang Ibigin Ka ay kikiligin din kayo. At very timely ang release nito sa mga popular Digital Music Platforms like Spotify, iTunes at Amazon Music at Feb love month na. Tamang-tama, pwede maging themesong ng mag-sweethearts ang nasabing single ni Jules. At happy si Jules at marami sa mga kababayan natin sa LA ang may gusto sa kanta niyang ito.
Start na rin ang promotion ng Maari Bang Ibigin Ka hindi lang sa California also here in the Philippines. Plano ni Jules na makapag-guest sa mga FM Stations and sa TV. Lalabas din sa iba’t ibang tabloids ang publicity ni Jules including here at my love tabloid POLICE FILES TONITE. Very thankful pala si Jules sa collaboration nila ni Vehnee Saturno sa said single na Maari Bang Ibigin Ka? At very proud siyang ipagmalaki ito sa lahat.
***
GOLDEN LEGACY JOBMOVERS CORP N MA’AM MARIBEL AUNOR PATULOY SA PAG-EXPAND
YES, hindi lang ang parehong showbiz career ng kanyang mga bebe artist daughters na sina Marion Aunor at Cool Cat Ash (Ashley Aunor) ang successful sa kanilang mga inilalabas na album. Maging ang sariling Manpower Agency ni Ma’am Maribel Aunor na GOLDEN LEGACY JOBMOVERS CORPORATION, na matagal na panahon nang nag-ooperate ay patuloy ang pag-expand. Yes, starting this 2024 ay authorize mag-recruit ng mga kababayan natin sa abroad ang PESO OFFICE sa Roxas City, Capiz. At narito ang locations at schedule ng kanilang recruitment na dadaluhan mismo nang personal ni Ma’am Maribel kaya’t sumugod na kayo. February 5-9:00 AM to 4 PM, CITY MALL BOULEVARD, ROXAS CITY, CAPIZ and February 6- 8:00 AM to 5 PM at PESO CITY HALL BUILDING, TACURONG SULTAN KUDARAT. GOLDEN LEGACY JOBMOVERS CORP is on the move to bring you jobs that will help you reach your dreams and progress to a better tom.
Yes, maraming kababayan natin ang natulungan ng Manpower Agency ni Ma’am Maribel na mabago ang kapalaran. Golden Legacy Jobmovers Corporation is located at Suite 102 & 701, Ermita Center Building, #1350 Roxas Blvd, Ermita, Manila.