Advertisers

Advertisers

Enrique dinenay na hiwalay na kay Liza, happy pa rin ang relasyon

0 12

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA panayam ni Enrique Gil sa TV Patrol, pinabulaanan niya na hiwalay na sila ni Liza Soberano. Sila pa rin daw ng aktres at masaya sila sa kanilang relasyon.

Tanong ng TV Patrol anchor na si Gretchen Fullido, “So, tinatanong nga ng lahat, kayo pa ba [ni Liza]?”



Natatawang sagot ni Enriqe,”Yeah, yeah, we’re happy. We’re just really busy.

“I think we just realized na, in life, parang we shouldn’t always be centered around each other.



“We can do more, grow more, achieve more. And it just makes us better.”

Hirit pa ni Gretchen, “Grabe, ang healthy ng relationship niyo. All graces with each other.”



“Super, super. Thank you so much,” sabi ni Enrique.

Natanong din ang aktor kung sino ang makaka-date niya sa papalapit na Valentine’s Day dahil babalik na sa ibang bansa si Liza para sa promotion ng kanyang movie na Lisa Frankenstein.

Sagot ni Enrique, sa ngayon ay ang kanyang ina muna ang ide-date niya dahil busy pa nga si Liza sa pagpo-promote ng upcoming Hollywood movie nitong Lisa Frankenstein.

“For Valentine’s, it’s gonna be my mom.

“Sadly, Liza is going to be in the U.S. for Lisa Frankenstein. But hopefully, if she gets back in time, she said she’ll gonna go and support me.”

Samantala, may bagong pelikula si Enrique titled I am not  Big Bird mula sa ABS-CBN’s Black Sheep at Anima Studios. At  Dahil I Am Not Big Bird nga ang pamagat ng pelikula ng aktor, tinanong siya kung siya ba ay may malaking bird o kargada, o hindi big ang kanyang bird, ang sagot niya na natatawa,”Both. Hindi naman laging ano,’di ba? Minsan ‘pag malamig, ‘di ba? Joke lang.  Pretty good, pretty good.”

Na ang ibig sabihin ni Enrique sa kanyang sagot, na ‘pag malamig siyempre, ay nagiging big ang kanyang bird at ‘pag hindi naman malamig ay hindi big. Kaya both ang sagot niya.

Sa tanong naman na,’can you confidently say that what you have is more than enough to satisfy your partner?’ ang sagot niya na natatawa ulit ay,”Of course, of course po. Siyempre. Hindi naman sa size ‘yun, eh, sa paggamit, sa performance. Joke lang.

Dugtong niya,”Pero ang sabi ko talaga you can make the girl laugh. You have the biggest package in the universe.’Yun ang kailangan mo.”

Sundot na tanong kay Enrique, would you say you have the size, the performance or both?

“All of it,”natatawang sagot ulit ni Enrique.

Ang I Am Not Big Bird ay showing na sa February 14. Mula ito sa direksyon ni Victor Villanueva. Kasama sa cast sina Nikko Natividad,  Red Ollero at Pepe Herrera.

Speaking of Nikko, nang siya naman ang tanungin kung big ba ang kanyang bird, ang natatawa niyang sagot ay dakota raw siya. Na ang ibig niyang sabihin ay malaki ang kanyang nota.