Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
KAHIT sa Mayo pa ngayong 2024, ang balik-Pinas ng Outstanding Pop Rock Diva na si Rozz Daniels, ginagawa niyang abala ang sarili sa iba’t ibang aktibidad sa kanyang hometown na Wisconsin, USA.
Sa isang tsikahan, sinabi ni Rozz na busy anya siya sa bowling tournament ng kanilang samahan na Filipino-American Association of Wisconsin (FAAWIS) sa St. Patrick’s Day sa Milwaukee, WI sa Linggo, March 17, 11am-2pm.
Isa raw itong friendly competition kaya inaanyayahan ni Rozz ang lahat ng interesado na makilahok.
Dagdag pa ng singer na pinag-aaralan na raw niyang mabuti ang OPM song na Ibang-Iba Ka Na female version para pagdating niya ng bansa ay maayos na niya itong maire-record.
Umaasa rin si Rozz na habang narito ay mai-promote niya ang awitin na unang pinasikat ni Renz Verano.
Kasabay nito ang plano ng Pop Rock Diva na magkaroon ng birthday show sa Music Box sa Mayo kasama ang mga anak-anakan niya sa KUMU The Rocks & Rozz Show na sina Jerome Sang at Derf Dwayne kasama sina Analyn Torregosa at Arnel Legaspi.
Naitsika pa ni Rozz na after ng retirement ng mister niyang si David Daniels na isang US Air force veteran at worker ng Federal Government, nakatakda silang bumili ng tirahan sa Las Negas Nevada. Gayundin, nasa balak nilang mag-asawa na manirahan ng ilang buwan dito sa Pinas.
Inihayag pa ni Rozz na umaasa anya siya na matuloy na ang nais niyang business na entertainment-resto bar na gaya ng Klownz kaya habang narito sa bansa ay magtitingin-tingin na rin siya ng lugar na akma sa balak niyang negosyo.
Kaya sa mga nagmamahal at sumusuporta kay Rozz, abangan ang pagbabalik niya ngayong Mayo.