Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
NAGLABASAN ang kung anu-anong dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang kasalang Bea Alonzo at Dominic Roque, huh!
May mga pahaging si Bea tungkol dito pero wala pa ring pormal na pahayag ang Kapuso aktres.
Maging si Dominic ay hindi rin itinanggi o inamin ang isyu.
Pero anuman ang dahilan ay mas mainam na raw yun o mas makabubuti kay Bea, huh!
Kumbaga, pagdating sa pera at ari- arian ay hindi hamak na mas malaki ang mga naipundar ni Bea kumpara sa kung anumang meron si Dominic, huh!
But still, may mga nagsabi namang malapit kay Bea na walang masama raw naman kung matutuloy ang kasalang Bea at Dominic.
Pareho raw super in love ang dalawa sa isa’t isa lalo na raw marahil ang aktres.
Pero payo raw ng mga close friends ni Bea na siguraduhin na may pre-nuptial agreement sila bago tuluyang ibigay ang kanyang matamis na ‘Oo’ sa harapan ng Diyos at mga tao, huh!
Kumbaga, kung anuman ang kahihinatnan ng pagsasama nila at kung may mangyayaring hindi maganda ay hindi sila magkaroon ng problema lalo na sa mga naipundar na ni Bea.
***
HEART AT SEN. CHIZ SA FEB. 15 NA ANG RENEWAL OF VOWS SA BALESIN
KUNG hindi matutuloy ang kasalang Bea Alonzo at Dominic Roque ay tuloy naman daw ang renewal of vows ni Heart Evangelista at asawang si Senator Chiz Escudero
Gaganapin ang pagpapangako muli nina Heart at Sen. Chiz sa Balesin Island this coming Feb. 15.
Siyempre, exclusive ang affair sa close friends and families ng dalawa.
Present na raw this time ang mga magulang ni Heart na hindi dumating noon sa kasal nila dahil sa tutol ang mga Ito, huh!
Kamakailan lang ay pinagpiyestahan ang isyung nagkahiwalay na raw sina Sen. Chiz at Heart.
Pero gumawa ng paraan si Sen. Chiz at niligawan muli ang aktres na humantong sa desisyong pagpapakasal nilang muli, huh!