Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
KATAKUT-takot na hirap ang inabot ni Arci Muñoz sa shoot ng pelikulang “Maldita in Maldives” na idinirehe ng Palanca award winning filmmaker na si Njel de Mesa.
Nawala kasi ang luggage niya while in transit sa Maldives kung saan kinunan ang kabuuan ng pelikula.
Nagkataon pa na may sakit si Arci noong lumipad siya sa nasabing tourist destination from another country kung saan may business trip siya.
Kaya naman halos nawalan ng gana si Arci nang dumating siya sa Maldives.
Nasa maleta kasi niya ang lahat ng casual dresses at outfits niya na gagamitin sa shoot.
Sey pa niya, naging bentahe lang daw na may naitabi siyang underwear sa kanyang hand-carry bag, dahil kung wala, isang underwear lang ang suot niya sa one-week shoot nila sa Maldives.
“Buti na lang po, sanay kaming mag-travel. So usually, sa hand-carry, naglalagay talaga ako ng extra shirt, extra underwear, pang-emergency,” bungad niya.
“Buti na lang may dala kaya ako. So, kapag suot ko, lalabhan ko. The next day, susuotin ko ulit. Ang hirap, grabe! Kaya nanghiram na lang ako ng ibang damit,” pahabol niya.
Kuwento pa niya, maging si Direk Njel daw ay nawalan din ng maleta.
Gayunpaman, may baon daw naman itong bagong t-shirt for his production at ‘yun ang ibinigay sa kanya para gamitin.
“Tapos, ‘pag lalabas kami ni Mama, bibili kami, para doon lang sa two days. Kasi for the rest of the days, hindi kami lumalabas, kasi nga, masama pa ang pakiramdam ko. Si Mama, bumili ng mga Maldives na t-shirts. Kasi nga ‘pag kakain, kailangang lumabas. Kailangan nila akong pilitin na lumabas para kumain para gumaling agad ako. So, ‘yung undies talaga, everyday nilalabhan ko,” saad niya.
Nagpapasalamat naman siya sa co-star na si Kiray Celis dahil naging ‘saving grace’ niya ito.
Pinahiram daw siya nito ng bagong extra underwear for the shoot.
Sobra namang bumilib si Direk Njel sa propesyonalismo ni Arci na sa kabila ng setbacks na naranasan ay itinuloy ang pelikula.
Sa pelikula, ginagampanan ni Arci ang papel ni Anais Escudero.
“Artista siya, socialite, tapos naging vlogger, may asawang pulitiko. Tapos, medyo nag-lay low sa pag-aartista kasi nawalan ng franchise ang network kaya nagba-vlog na lang ako. Tapos ‘yun nga, ipinapakita ko ang lifestyle ko, pagta-travel ko.Tapos, may darating na asungot doon, si Kiray (Celis), ‘tong malditang vlogger. Sana, walang ganyan sa totoong buhay, hehe, na kagaya ng karakter ni Kiray sa movie,” lahad niya.“
And then, sinundan niya (Kiray) ako. Tapos, umuulit ang araw namin sa Maldives. Ang matututunan dito ay ‘yung bakit umuulit ‘yung araw namin sa Maldives. Ano’ng dahilan? So, ‘yun ang aabangan sa ending,” dugtong niya.
Ani Arci, hindi daw siya maldita sa tunay na buhay pero kaya rin niyang magmaldita kung siya ay susubukan.
“If kailangan po. But it will have to reach a certain point na kailangang maabot iyong pagiging maldita ko. Meron po talagang saturation point. Kunyari, inaapi iyong mga friend ko, inaaway iyong mga mahal ko sa buhay o may mga sitwasyong kailangan kong magmaldita pero as much as possible, hindi naman,” paliwanag niya.
Ang comedy-drama na ito ay kalahok sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan sa darating na Mayo, 2024.