Advertisers

Advertisers

‘Career guidance orientation’ program sa senior high, inanunsyo ni Mayor Honey

0 14

Advertisers

INANUNSYO ni Mayor Honey Lacuna na magkakaron ng ‘career guidance orientation’ program ang pamahalaang lungsod para sa lahat ng senior high school students sa kabisera ng bansa.

Nabatid na binigyang direktiba ni Lacuna si Fernan Bermejo, hepe ng public employment service office (PESO) na pamunuan ang programa na layuning bigyang kaalaman ang mga senior high school students at gabayan sila kung ano ang nais nilang kuning kurso o karera.

Sinabi ni Bermejo, na ang programa ay sakop ang may 9,000 mag-aaral mula sa 27 paaralan at ang layunin ay gabayan ang mga estudyante sa kanilang desisyon kung ano ang nais nilang kunin sa kolehiyo o maaaring magsimula ng negosyo o magtrabaho na agad.



Sinabi pa ni Bermejo, na sa utos ng alkalde, ang seminar ay tatagal ng isang buwan at gagawin ng buong araw nang walang gastos ang mga partisipante at mayroong ding libreng pagkain.

May 500 estudyante na ang nakinabang sa career guidance na ginawa sa Raja Soliman Science and Technology High School.



Napag-alaman na ang proyekto ay ginagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment, Division of City Schools of Manila at ng school management.

“Isinagawa ang nasabing orientation upang gabayan at ihanda ang ating mga mag-aaral sa senior high school kung anong career path ang mga posible nilang tahakin tulad ng pagtuloy sa pag-aaral sa kolehiyo, pagtatrabaho at pagnenegosyo,” dagdag pa ni Bermejo.



Samantala, sinabi ni Lacuna na ang hakbang ng city government na mabigyan ng trabaho ang mga jobless Manileño ay tuloy-tuloy at maging ang mga senior citizens at persons with disability (PWDs) ay kasama dito.

Sinabi ng alkalde na bukod sa job fairs na ginagawa ng PESO sa ibat-ibang lugar ng regular, ang lokal na pamahalaan ay tumutulong din sa pamamagitan ng help desks sa tuwing may “Kalinga sa Maynila” na ginagawa ng sa mga barangay isang beses o dalawang beses isang linggo.

Ang “Kalinga sa Maynila” ay isang regular forum na ginagawa ni Lacuna mismo, kung saan dinadala ng alkalde ang mga heads ng iba’t-ibang departments, offices at na ang basic services ay hinahanap ng mga residente na nagpupunta sa Manila City Hall. (ANDI GARCIA)