Advertisers
Ni JOVI LLOZA
PAHINGA muna si Vilma Santos Recto sa paggawa ng proyekto after When I Met You In Tokyo.
May rumors kasi na tila napagod na ang Star for All Seasons sa paggawa ng pelikula pero di naman niya sinasabi na totally close na ang paggawa nito ng projects.
Hindi naman daw nagsasara ng doors si Ate Vi sa mga upcoming project.
Sa pag-amin ng ina ni Luis Manzano ay napakaraming scripts sa bahay na naipadala sa kanya.
Pero tila di pa fit sa kanya or nakapamili si Ate Vi na kanyang aaprubahan na proyekto base sa binasa or nabasa na nitong scripts.
Pag-amin ni Ate Vi na magiging choosy na siya sa paggawa ng pelikula na never pa niyang nagawa sa kanyang showbiz career.
Wala pa nga marahil ang right project para magkaroon agad ng follow up ang When I Met You In Tokyo na kung saan waging Best Actress si Ate Vi sa pagganap niya bilang OFW sa MMFF at MIFF.
***
HINDI pa rin mamatay matay ang isyu regarding Bea Alonzo till now kasi ay siya pa rin ang pulutan sa iba’t ibang showbiz platform sa socmed.
After nga ng hiwalayan sa fiance na si Dominic Roque eto’t may bago na namang ibinabatong intriga sa Kapuso actress.
Hindi pa naman kumpirmado ayon sa isang showbiz platform na magiging tagasalo or second choice raw si Bea sa isang project or teleserye.
Una naman daw ito inalok kay Marian Rivera.
Pero kapag tinanggihan daw ni Marian ang nasabing teleserye ay posibleng si Bea ang magiging tagasalo.
Dahil dalawa lang naman sila na sikat na aktres sa Kapuso network.
Waiting galore pa si Bea kung tatanggihan ni Marian ang project.
Well, well, well….’Yun na!