Advertisers
Ni BETH GELENA
IPINOST ni Dominic Roque sa kanyang socmed ang pinagkakaabalahan matapos ng break up nila ni Bea Alonzo.
Sa larawan kasama ng actor ang mga kaibigan to enjoy a couple of ball games.
Ang isa namang pic ay makikitang nagre-relax siya with some of his friends na nasa isang cafeteria.
Kung parelax-relax si Dom after ng break up nila ng ex-fiancee, si Bea naman ay nag-eenjoy din sa Singapore kasama ang ina at kanyang stepdad.
Komento nga ng netizens, “kung sila pa ni Bea tiyak si Dom ang kasama niya.”
“Wala siguroang pang-travel kaya ball games na lang dito sa ‘Pinas.”
Kamakailan ay isang heartwarming lovely photo ang pinost ni Dom na nakangiti.
Ang daming nagkomento at nagbigay ng komento sa kanyang larawan bilang suporta ng mga ito sa pinagdadaanan ng actor.
Ilan naman sa mga netizens ang nakapunta sa komento ni Dom sa isang reel sa IG.
Ilang emojis ang naging komento ng aktor sa reel talking about love and the end of it.
The reel was talking about letting go, and that perhaps in another life, there was a “you and me.” At the end of the text included in the reel, there was a phrase that said, “You’ll always be my favorite memory.”
Sa pag-amin nina Bea at Dom sa kanilang hiwalayan, wala silang binigay na detalye kung ano talaga ang naging ugat ng kanilang break up.
***
HINDI matapus-tapos ang isyu between Ivana Alawi at Bacolod Mayor Albee Benitez.
Pagkatapos magbigay ng statement ng pulitiko kamakailan, heto at muling may post sa kanyang Facebook account ang Bacolod Mayor.
Humihingi siya ng despensa kay Ivana at sa pamilya nito hinggil sa travel niya sa Japan.
Paliwanag ni Mayor Albee, “I am fully aware of the video footage that has been circulating which unfortunately does not accurately why I was in Tokyo. I went there on a business trip as stated in my official travel order.
Speculations involving Ms Ivana Alawi are untrue and only serve to put malice into what was clearly a chance encounter.
I apologize to Ms Alawi and her family who have been unfairly dragged into issues concerning my private life. There is no truth to any and all the rumors spreading and I am setting the record straight to avoid further hurt and damage to them.
Salamat po.”
Reaksyon ng netizens: “Naniniwala ako na it’s all about business lang yung Japan trip nila. Eh kasama din naman nila sina JDL and fam eh. Pati yata si Mona kasama niya. Come to think of it people, kung sila nga di ba dapat sekreto silang aalis na silang dalawa lang?”
“sabi ni Ivana, he is seeing a businessman daw, yun lang.”
“Apologized to her family but never did he once mention his wife and kids?”
“Albee is well-loved by the people of Bacolod dahil sa laki ng improvements dun. Baka may bahid ng politics yang kumakalat na balita? BTW hindi po ako taga Bacolod. But I’ve been there many times kasi sarap ng foods nila dun.”
“He apologized to Ivana not to his family and relatives para mas clear. Kahit hinde naman ito Totoo nag acknowledge parin sana siya na hinde Totoo ang chismis about them.”
“Pwede naman kasi nagkataon lang na nagkita sa Pila. Imagine if si JDL lang nakita sa video. Nakupo ang laking chismis siguro. Lol.”
“Kung meron yan they will not travel together on the same flight. Mauuna ang isa mag check in na sa hotel. Yun isa sasabihan na lang ng room number. They would not dare be in a place na siguradong madaming makakakita unless the goal is mabuko.”
Nagbigay na rin si Ivana ng paliwanag sa isyung ito.
Hindi raw pulitiko ang kanyang boyfriend kundi isang businessman.
Eh maepal ang isang nagkomento.
Aniya: “May businessman naman na pulitiko ah.”