Advertisers

Advertisers

AIMS @30 TARGET ANG GOLD SA MARITIME AND BEYOND

0 6

Advertisers

TREINTA años na ang AIMS at Blue Sharks.

Nagdiriwang ang nangungunang Asian Institute of Maritime Studies ( AIMS) ng ika-30 taong pagkatatag nito ngayong buwan ng Pebrero na ang euphoria ng pagdiriwang ay isang linggong singkad na nasimulan kamakalawa sa pagdaraos ng media conference sa presidential deck , administration building ng AIMS Roxas Blvd.sa Pasay City.

Tampok sa pagdiriwang ang art exhibit ng ginawang museo na may kinalaman sa maritima ,inobasyon sa teknolohiya, pagpapakilala ng mga bagong kurso ng institusyon, appreciation gala night mamayang gabi bilang pasasalamat sa tinatamasang tagumpay ng paaralan gaano man kaalon ang dinaanan at ang camaraderie sa kanilang anniversary, SPORTS tournament na ikinasa sa kanilang sariling multi-purpose gym.



Sa naturang pulong para sa mga mamamahayag, ipinagmalaki ni AIMS president Arlene Abuid Paderanga ang pormula ng pamamayagpag ng kanilang institusyon tampok ang patas na pakikitungo sa lahat,disiplina at excellence.

Sinabi naman ni CEO Dr.Felicito Dalaguete na magmula noong unang taong paglalayag ng itinatag nilang AIMS noong 1983,gaano man kalaki ng mga challenges na naengkuwemtro sa kanilang rough to smooth sailing tulad ng sunog ,resesyon tampok ang pandemya ay naging realidad na ang kanilang naging misyong tagumpay ng institusyon sa lahat ng aspeto magmula imprastraktura hanggang sa pag-produce ng mga quality seafarers na nakapag-aambag ng malaking bahagi sa ekonomiya ng bansa kung saan ay angat ang talino ng Pilipino sa teknolohohiya at manpower sa karagatan.



Misyon naman ni VP Ted Cada na palawigin ang kanilang sports under his watch sa susunod pang mga pakikipagtunggali sa larangan ng sports na nakapagbibigay karangalan sa paaralan.

Ang AIMS Blue Sharks sa timon ni VP Cada ay naging household name at nirerespetong koponan sa sports community kung saan ay naging aktibong miyembro ang Blue Sharks sa NCRAA ,ISAA, PUBL, NUCAA at malaking tsansang katawanin ang Pilipinas sa international tournaments sa basketball ,volleyball,chess, cheerdance,arnis at iba pa.
Ang Blue Sharks pagdating ng 50 años ay magiging Golden Sharks…



ABANGAN!!!

LOWCUT: Special shoutout sa mga Ka- FLM global simula kay FFCI Worldwide pres.Dong Batalan,admin Alyssa,ang tinig ng EF-EL-EM FM DJ Lemmore CreAtion,Bennox BonBon,Sonnie Aguilar,Clarita Dimayuga,Flora Calangi,Risaluna Lemee,Sameera Aguilar,Lorrie Pasicolan,Nina Fruscio,Enz Pascual,Sharon Judan Pajarito,Jason Agoncillo Wilma Masapol,Teresita Valera,Whem Villacruses,Salve Balaoro,Thes Fernandez,Jocyn Sanchez,Janicd Pascua Lhea Binamira at opkors kay Se Mi Di Speranza Foundation chairwoman Chilitita Cabatingan. MABUHAY!