Advertisers
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga government workers upang mapabuti ang kanilang kalagayan.
Ang pahayag ay ginawa ni PBBM matapos pangunahan ang seremonya ng pagkilala para sa mga natatanging kawani ng gobyerno para sa taong 2023.
Dito’y nangako ang pangulo na palalakihin pa ang kanilang bilang sa ilalim ng “Bagong Pilipinas.”
Dahil ika nga’y ‘public office is a public trust’, sinabi ng presidente na ang 2023 Outstanding Government Workers ay nagpapakita ng larawan ng isang huwarang kawani ng gobyerno na patuloy na nagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa publiko, anuman ang kanilang posisyon o sahod nang walang iniisip na kapalit.
Samantala, kabilang naman sa mga parangal na ibinigay ni Pangulong Marcos ay ang 2023 Civil Service Commission Pag-asa Award, 2023 Dangal ng Bayan Award, 2023 Presidential Lingkod Bayan Award at ang Presidential Medal of Merit na iginawad kay Apo Whang-Od. (Gilbert Perdez)