Advertisers

Advertisers

WHANG-OD, JPE TINAWAG NA EXTRAORDINARY CENTENARIANS NI MARCOS

0 9

Advertisers

Tinawag na pambihira o extraordinary centenarians ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sina Apo Whang-Od at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Ginawa ni PBBM ang pahayag matapos pangunahan ang parangal para sa 2023 Outstanding Government Workers at selebrasyon ng ika-isang daang taong kaarawan ni JPE sa Malacañang.

Nagpakuha rin ng larawan ang presidente kasama sina Enrile at Whang-Od, ang 106-taong gulang na tattoo artist mula sa lalawigan ng Kalinga.



Si Whang-Od ay ginawaran ng pangulo ng Presidential Medal of Merit para sa natatangi nitong kontribusyon sa pagpapanatili ng kulturang Butbut Kalinga o ang tradisyonal na tattoo na kilala bilang “fatok” o “whatok.”

Samantala, sa hiwalay namang aktibidad, kinilala ni Pangulong Marcos ang ambag ni Enrile sa public service na sa kabila aniya ng pagiging centenarian ay itinutuon pa rin ang atensyon at lakas sa paglilingkod sa bayan. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">