Advertisers

Advertisers

DALAWANG PULITIKO  PINAGTANGGOL SI DOMINIC

0 7

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAGSALITA na ang dalawang pulitiko na sina Mayor Bullet Jalosjos at Congressman Bong Suntay sa pagkakadawit ng kanilang pangalan sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ayon sa dalawang prominenteng personalidad, kaya sila nagpa- interbyu dahil naaawa na umano sila sa kanilang kaibigang actor.



Inamin ni Mayor Bullet na sa kanya ang condo unit na tinitirhan ni Dom.

Almost 10 years na raw silang magkaibigan ng aktor dahil sa passion nila sa pagmomotor, likewise Cong. Suntay.

Nagtutulungan daw sila like sa bisnes kaya nagtataka sila na nadawit ang kanilang pangalan at maging ang genders nila ay pinagdududahan.

Marami raw tuloy ang nagtatanong kung lalaki raw ba sila.

Sey naman ni Kong. Bong, totoo ang sinabi ng Mayor na pare-parehong motorcycle ang kanilang passion kaya raw nakapagtayo sila ng isang grupo, ang Euromonkeys.



“Magkakasama kami dyan nina Mayor Bullet, myself, Dom, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Kim Atienza, atbp.

Sa barkadahan daw ay andyan  ang nais mong matulungan sila.

And in fact, siguro ang isyung ito na nadadawit ang pangalan namin ay dahil ninais naming makatulong sa mga kaibigan namin,” siwalat ni Kong. Suntay.

Pinasok ng interviewer ang tanong kay Mayor Bullet.

“May nagsasabing Sugar Daddy ka raw?”

“Panget naman ng sugar daddy hahaha,” sey ng Dapitan Mayor, “hahaha yun nga binahay ko raw siya sa isang condo. I-clarify ko lang noh, actually yung condo totoong akin talaga yun. I had it for quite sometime. Dalawa nga yan e, ginawa ko siyang bisnes dahil pandemic pinagbawalan kaming i-open siya. Dom asked me, if I am willing to rented it.

“Natawa lang ako kung bakit lumundag ang isyu from bisnes to binahay na e,” pahayag ni Mayor Bullet.

Sana naman daw ay fact finding muna kung ano ang totoo.

“Nu’ng malaman nila na nasa pangalan ko yung condo binahay na agad. Gina-gashlight nila yung issue, naawa rin kami kay Dom.”

May proof ka ba na binabayaran ni Dom yung renta?

“Oo naman. Pinadala ko yung resibo sa yo ah.”

“Hindi ko siya binahay ha,” clarify ng pulitiko.

Sey naman ni Kong Bong, ambassador ng gasoline station nila ang actor.

“Kung gustong malaman ng mga manunulat ang real truth, it’s easy naman to find the truth e, madali lang naman e. pero kung ang purpose nila ay intriga it doesn’t matter kung ano yung totoo.”

Kinailangan din daw nilang kumuha ng isang celebrity driver dahil nag-form sila ng isang Formula team.

“syempre sino pa ba ang kukunin kong celebrity driver, syempre ang kaibigan na rin namin.”

Sey pa ng congressman, “mabait si Dom kaya ginawa na rin namin siyang ambassador ng gasolinahan.

“Wala ring katotohanan na binigyan ko siya ng isang gasoline station.”

Ang ipinost daw na kuha nilang larawan ni Dom ay kuha pa nu’ng nag-signing contract ang actor.

Pati rin daw ang pagka-cutting ribbon na kasama siya ay nabibigyan ng kulay.

“That’s the part bilang endorser namin si Dom and me as a president of the company na kailangan andun din.”

Ayon, sa dalawang pulitiko, tinatawanan na lang daw nila ang pagkakadawit ng kanilang pangalan, pero dahil naaawa sila kay Dom kaya nagsalita na rin sila para maliwanagan ang mga ito kung bakit nadawit sila sa isyu.

Ang nasabing panayam ay mula sa YouTube channel ni Jay Ruiz.

Komento naman ng netizens,

“Nagsalita sila dahil grabe na ang pang iinsulto sa kanila. Pamilyadong tao yan si Sir Bong Suntay at may gf naman si Mayor Bullet. Bukod pa dun, naaawa na rin siguro sila kay Dominic Roque na durug durog na sa issue. Yan ang totoong brotherhood. Diyan napatunayan na solid talaga ang samahan ng EuroMonkeys”

“maraming nakulong at nagbabayad ng milyon dahil sa libel and cyberlibel. Wlang issue kay Don until na link sya kay tita”

“Grabe din kasi character assasination kay Dom. Mostly galing pa sa fans ni Bea. Parang its always the guys ang reason ng breakup and B is the damsel in distress.”

***

ISABEL KINILIG SA DATE KAY JOHN LLOYD

HINDI maitago ni Isabel Santos ang kanyang ‘kilig’ sa Valentine date nila ng aktor boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Sa kanyang Instagram account, Isabel posted photos of her and John Lloyd wearing matching outfits.

“Hirap itago ang kilig ko,” caption niya.

“It’s officially love season! Show off your love,” sey pa niya.

Last October ay inamin ng actor na sila ni Isabel are in a relationship na sa Fast Talk with Boy Abunda.

Aniya, “Napadpad ako sa pag-e-explore ng art, sa gallery nila ‘yung una kong napasok,” pagsisiwalat niya sa pagkikita nila ng artist na matagal na raw namang kakilala.

“Matagal na kami magkakilala, we were talking before but hindi nag-evolve into something ideal for us at that time.”

“Mula noon, present na rin siya sa buhay ko,” dagdag ng aktor.

Naging usap-usapan ang dalawa nang unang magpost si Isabel ng isang photo ng guy na may hawak ng alaga niyang  aso and that was

November 2021 na walang iba kundi si JLC.

Simula noon ay lagi nang nakakasama ni Lloydie si Isabel sa iba’t ibang event na kanyang dinadaluhan.

This Valentine’s Day lang yata ang first intimate date ng couple kaya kinilig si Isabel.

Na-feel niya kung gaano siya ka-special sa binata.

***

JODI NA-ACHIEVE ANG GOAL NA MAPUNTAHAN ANG SEVEN CONTINENTS NG MUNDO

NAG-travel si Jodi Sta. Maria sa Easter Island na may pinta ang mukha.

Ibinahagi niya sa Instagram ang kanyang travel journey.

Ang Easter Island na pinagbakasyunan ng aktres ay isang remote volcanic island na matatagpuan sa Chile.

Ani Jodi sa kanyang IG stories.

“Immersing myself in local cultureculture. Turning Rapa Nui”

“Face painting or tattoos  or Taking denote social status within the tribe, celebrate certain rituals and events,  or prove that someone has passed their rite of passage.”

Nilibot ng winning actress ang isla na may pinta ang mukha kung saan nakita niya ang mga famous status doon na tinatawag na moai.

Aniya, “It felt surreal seeing you guys upclose. I only read about you in books and now we finally meet face to face with prayer and crying face emoji.”

Ito ang pangalawang bansa na nagtravel si Jodi ng mag-isa ngayong taon.

Ang una ay nang pumunta siya sa

Antarctica, where she met various wildlife from the continent.

Komento nga ni Shaina Magdayao sa adventurous  escapades ng aktres.

“I’m happy you’re happy! See you when you’re back, friend,” aniya.

“Wow! Thank you for sharing all your adventures po Ms Jodi,” sey naman ng isang fan.

Na-achieve na ni Jodi ang kanyang  personal feat as she has completed her goal of visiting all seven continents of the world.