Advertisers

Advertisers

Ano ba talaga Pacquiao?

0 9

Advertisers

Tila nais talaga ng kampo ni Manny Pacquiao na manatili siya parati sa ulo ng mga balita.

May mga espikulasyon ng pagbablik niya sa ibabaw ng ring sa pamamagitan ng pro fight, nabigong pagpasok sa Paris Olympics at paglutang ng pangalan para sa halalan sa 2025

Pero ang tunay lang ay ang kanyang MPBL na balot pa rin ng mga kontrobersya at ang pamimigay ng pera sa Facebook.



Yung pa-basketball niya ay nagimbal ng diumano’y game-fixing at maraming player ang sangkot.

Yung gimik na P10k sa unang 500 na mag-hello na tao sa comment section ay kailangan pala may gawin ka pang mas mahirap. Dapat i-share mo ang orig post ng pambansang kamao sa 15 na active na group page. Di na tayo sure kung may iba pang ipag0uutos later. Ilang beses na natin ito sa napansin sa FB.



Yung nakasked niya sa ika-20 ng Abril kontra kay Buakaw Banchanek, ang legendary Muay Thai boxer ay pinagpaliban sa ibang petsa.

2023 pa ay inanunsyo ito nguni’t ngayong malapit na laban ay inihayag ang pag-postpone. Ang sikat na taga-Thailand na ipinanganak na Sombat ang bantog na Thai champ. Mahigit 40 anos at opisyal ng retirado. na rin tulad ng anak ni Aling Dionesia. Magsasagupa sana sila sa isang exhibition match na anim na round. Wala naman inilabas na detalye hinggil sa bagong date kaya nakakaduda kung matutuloy pa..



Hanggang ngayon may tsismis pa rin ang rematch nila ni Floyd May weather Jr nguni’t walang linaw pa rin.

Mabuti may TV commercial pa siya ng Alaxan FR ng Unilab na umeere.

***

Halatang ayaw ni Pastor Apollo Quiboloy sa hearing sa Senado. Hala, may contempt charge pa at maaaring ipaaresto sa Senate Sergeant At Arms anumang araw pero ipinahaharang ito ni Sen Robinhood. Eka tuloy ni Ka Berong ay magtuos na lang sila ng Appointed Son of God kuno sa isang 3-point shootout o kaya one-on-one na may depensa. Kapag natalo daw siya ng kaibigan ni PiDuts ay maniniwala na siya na walang kasalanan sa akusasyon ang pinuno ng SHMI. Hehe.

***

Dahil patuloy ang harassment nina Xi Jinping sa mga Pinoy sa West Philippine Sea ay mag-uumpisa si Pepeng Kirat ng boycott sa mga kilalang produkto ng China. Hindi raw tatangkilikin ang sports shoes na Anta ang tatak. Pati raw ang cellphone na Huawei. Batid niya na maliit na bagay ito pero yan ang alam niyang ganti sa pagmamalabis ng mga Tsino,

***

Abangan sa OKS sa Lunes si Karen Tanchanco ang dragon lady ng Pinas sa sepak takraw. 4 – 5 PM sa DWBL 1242 khz. Gayon din sa YouTube at Facebook Live. Hatid sa atin ng Biofresh anti-microbial socks