Advertisers
NADISKUBRE ng Port of NAIA Bureau of Customs (BOC) Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang anim (6) na inabandonang parsel na naglalaman ng kabuuang 1,307 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana (kush) na nagkakahalaga ng P1. 829.800.00 mula sa loob ng bodega ng Central Mail Exchange Center (CMEC) sa lugsod ng Pasay.
Base sa report, noong March 8,2024 ay nagsagawa ng regular inspection ang task group kung saan nadiskubre sa bodega ang mga sumusunod na kontrabando:
Ang parsela #1 ay idineklara bilang “Sweatshirt” na barko ni Dalisay Bautista ng 2629 Strawberry LN, Santa Ana California at na-consign sa isang Mike Clave ng La Solidaridad Estate, Binan, Laguna na naglalaman ng 167 gramo (vacuum sealed) na may street value na P233 ,800.
Ang 2nd parcels na idineklara bilang “Graphic Tee” na ipinadala ni Dalisay Bautista ng Santa Ana California na naka-consign kay Randy Orteza ng Brgy. Loma, Binan, Laguna na naglalaman ng 172 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P240,800.00
Ang 3rd parcel na idineklara bilang “CUSTOME Puzzle Set” na ipinadala ni Jason Lee ng Edinger Avenue, Santa Ana California at na-consign kay Conrado Belinas Jr. ng Guaga, Pampanga na naglalaman ng 456 gramo ng dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P638, 400.00.
Ang ika-apat na parsela ay idineklara bilang “Sweater” na ipinadala ni Josh Bonilla ng Anaheim, California na naka-consign kay Andy Garcia ng Anabu, Imus, Cavite na naglalaman ng 171 gramo na nagkakahalaga ng P239,400.00.
Ang ikalimang parsela ay idineklara bilang “Sweater” na ipinadala ni Josh Bonilla ng Anaheim, California at na-consign kay Mathew Garcia Mendez ng Imus, Cavite na naglalaman ng 169 gramo na nagkakahalaga ng P236,600.00
Ang anim na parsela ay idineklara bilang “Sweater” na ipinadala ni Josh Bonilla ng Anaheim, California na idineksyon kay Andrew Marasigan ng Imus, Cavite na naglalaman ng 172 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P240,800.00.
Ang nasabing mga parsela ay nasamsam sa paglabag sa Section 4, Art. ll ng RA 9165 at ililipat sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa tamang disposisyon at pagsasampa ng kaso. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)