Advertisers

Advertisers

Dahil guwardyado na ng syotang aktres… Atong todo-deny na sa panliligaw kay Sunshine

0 42

Advertisers

Ni JIMI C. ESCALA

HANGGANG ngayon ay tikom at ayaw magkomento ng drama sexy aktres na si Sunshine Cruz tungkol sa isyung siya na raw Ang “Apple of the eye” ng negosyanteng si Atong Ang.

Katwiranni Sunshine ay hindi na raw naman siya bata para pag-usapan pa ang kanyang “lovelife” kung meron man, huh!



Pati ang isyung nagseselos na raw kay Sunshine ang isang involve romantically sa negosyante ay deadma pa rin siya.

Mahigpit na raw ang pagbabantay ng sinasabing girlfriend ni Atong at pati  raw mga lakad ni Sunshine ay inaalam na nito, huh!



Ang latest, itinanggi na raw ni Atong ang panliligaw nito  sa isa sa mga bagong endorser ng Bench clothing, huh!

Ayun pa raw kay Atong ay may ibang girlfriend daw siya pero marami naman ang hindi naniniwala sa naging pahayag na yun ng negosyante, huh!



May nagsabi pang hindi raw mismo galing Kay Atong ang pahayag na yun, huh!

So alam na natin kung kanino galing yun, huh!

Well, anyway marami ang napahanga sa pagrampa ni Sunshine na naka-two piece sa Bench Fashion Week.

And at 46 na may tatlong equally beautiful daughters ay nagpasalamat si Sunshine dahil  sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Bench.

***

MAGKASAMANG umaten sa 2024 Asian Film Awards sina Janella Salvador at Win Metawin na ginanap sa Hong Kong.

Sa napanood naming video ay pinalakpakan at tinilian nang husto ng fans ang dalawa sa red carpet premiere ng nabanggit na showbiz event.

Part marahil ng promo ng pelikula nilang “Under Parallel Skies” ang pangyayaring yun, huh!

Isang Irish na overseas Filipino worker si Janella sa naturang movie na nakatakdang ipalabas sa darating na April 17.

Ngayon pa lang nakapareha ni Janella ang Thai superstar at Ito rin ang first international film ni Win Metawin. huh!