Advertisers
Inaresto ang 59-anyos na pastor ng Rodriguez Rizal Police nang masangkot sa isang road rage incident kung saan bumunot ito ng baril at nagbanta sa isa pang motorista.
Kinilala ang suspek na si “Genaro,” residente ng Rodriguez, Rizal.
Sa ulat, binabaybay ng biktimang 44-anyos na call center agent ang kanyang motorsiklo sa may Mayon Avenue Extension ng muntik silang magbanggaan ng suspek na nagmamaneho noon ng kanyang Hyundai Veloster. Bumabab si Genaro sa kanyang sasakyan at binunutan ng baril ang biktima.
Tumakas si Genaro sakay ng kanyang sasakyan patungo sa direksyon ng Sub-urban Village sa Barangay San Juan.
Agad namang humingi ng tulong sa pulisya ang biktima kung saan nagsagawa ng follow-up operation na humantong sa pagkakaaresto kay Genaro.
Narekober sa kanya ang isang .45 caliber pistol na may dalawang magazine at 39 piraso ng live ammunition.