Advertisers

Advertisers

VP Sara muling binanatan ni Rep. Castro dahil sa pagdepensa kay Quiboloy

0 46

Advertisers

INUPAKAN muli ni ACT Teachers Rep. at House Deputy Minority leader France Castro si Vice President Sara Duterte dahil sa pagdepensa umano nito kay Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy na aniya’y accused child rapist sa halip na kumbinsihin itong sagutin ang mga paratang laban sa kaniya.

Kinuwestiyon din ni Castro si VP Sara kung hindi nito batid ang mga kasong kinakaharap ni Quiboloy dito sa Pilipinas at sa ibang mga bansa gaya ng US kung saan mayroon itong mga kasong pang-aabuso sa mga kababaihan at mga bata at sangkot din aniya sa pag-export ng mga baril at iba pang mga kaso.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng inilabas na video message ni VP Sara kung saan sinabi nito na ang mga akusasyon laban kay Quiboloy ay mga uri aniya ng violence at trial by publicity.



Sinabi rin ni VP Sara na sa mga isinagawang pagdinig sa Senado, tila nahatulan na ng guilty si Pastor Quiboloy kahit na ang naturang mga pagdinig ay base lamang sa mga alegasyon ng mga testigo na itinago ang kanilang pagkakakilanlan at hindi aniya mapatunayan ang kanilang kredibilidad.

Una narin inihayag ng kampo ni Quiboloy na nakahanda silang sagutin ang mga criminal accusations sa tamang hukuman subalit hindi aniya sa congressional bodies na hinusgahan na ang religious leader.



Matatandaan na inisnab ni Quiboloy ang magkahiwalay na summon na inisyu ng Senado at Kamara na nagsagawa ng mga pagdinig kaugnay sa mga akusasyon laban kay Quiboloy.

Kung saan sa Senado, inakusahan si Quiboloy ng human trafficking, labor violations at sex offenses.
Habang sa Kamara naman, pinatawag si Quiboloy para tumestigo sa imbestigasyon ng franchise violations ng Sonshine Media Network International (SMNI) na sinasabing pagmamay-ari ni Quiboloy.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">