Advertisers

Advertisers

Kaligtasan ng publiko tiniyak ng PNP sa ngayong Semana Santa

0 40

Advertisers

Mariing tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO)  ang kaligtasan ng publiko  hindi lamang sa Kamaynilaan ngayon paggunita ng Holy Week.

Ang paniniyak  ay ginawa ni B/Gen. Lex  Ephraim  Gurat  deputy Director for Operation  ng NCRPO na nagsabing ang pagpapanatili ng katahimikan ngayong Holy Week ang nais  ng PNP.



Sa ginanap na Monday flag raising at awarding ceremony ng mga tauhan ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan ngayon Lunes sinabi  ni Gen. Gurat  na pangunahing concern ng PNP  ang kaligtasan ng mga mamamayan ngayong  Semana Santa (Holy Week).

“Magkaisa tayo sa pagpapanatili  ng  katahimikan ngayon Holy Week”  ayon kay Gen. Gurat.



Kaugnay nito  nanawagan ang opisyal ng NCRPO sa publiko na  magkaisa  para mapanatili ang katahimikan ngayon Holy Week.

” Tinitiyak natin ang kaligtasan ng mga manamayan  ngayong Holy Week. Magkaisa tayo para sa pagpapanatili ng katahimikan” ayon pa kay Gen. Gurat.



Ayon pa sa opisyal ng NCRPO na para  makamit ang ligtas na  kapaligiran ngayon Holy Week dapat makipagtulungan ang mga mamamayan sa atin PNP.

Kaugnay nito  nanawagan pa si Gurat sa mga mamamayan  na  para matiyak  ang ligtas na kapaligiran ngayon  Semana Santa hiniling  nya ang pakikipagtulungan  ng mamamayan. (Boy Celario)