Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
HINIHIKAYAT ng GMA Entertainment Group ang Kapuso viewers na tutukan ang kanilang mga paboritong shows kasama ng kanilang mga pamilya at kaibigan.
Sa bago nitong campaign na Basta’t Sama Sama…Best Time Ever, tunay anya na maaaliw ang audience sa mga Kapuso show gaya ng Family Feud, Fast Talk with Boy Abunda, Amazing Earth, Pepito Manaloto, I-Bilib, The Boobay and Tekla Show, Running Man 2, You LOL at Bubble Gang.
Sa idinaos na mediacon nitong nakalipas na Biyernes, March 15, dumalo ang mga cast ng Bubble Gang na sina Paolo Contis, EA Guzman, Chariz Solomon, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Matt Lozano, Betong Sumaya; ang Family Feud at Amazing Earth host na si Dingdong Dantes; at sina Mikael Daez, Kokoy at Buboy ng Running Man 2 na magsisimula na raw ngayong darating na Mayo sa GMA.
Tsika ni Dingdong, marami pa raw magaganda at nakatutuwang celebrities ang itatampok nila sa FF. Gayundin, hangad anya niya na sa taong ito ay mas marami pa siyang mabisitang magagandang lugar dito sa Pinas o sa ibang bansa sa Amazing Earth.
Inihayag din ng Kapuso Primetime King na magseselebra na ng 2nd anniversary ang Family Feud ngayong March 18.
Magiging espesyal na panauhin daw ng game show ang cast ng Running Man 2 na lalabanan ang couple na sina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista.
Ganundin ang Paner Family ni Tina Paner na makakalaban naman ang Palad Family ni Donita Rose.
Siyempre, hindi mawawala sa selebrasyon ang Kapuso Primetime Queen at misis ni DD na si Marian Rivera na susuporta sa kanyang My Guardian Alien co-stars.
Napag-alaman pa na sa paglulunsad ng Best Time Ever, ire-relaunch ang better at brand new version ng I-Bilib na hino-host nina Chris Tiu at Shaira Diaz.
Kaya tumutok na araw-araw at panuorin ang Basta’t Sama Sama…Best Time Ever programs ng GMA.