Advertisers

Advertisers

Gelli kapwa mahal ang pag-arte at hosting; Joem maayos ang relasyon sa biyenang hilaw na si Willie

0 40

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

“I like both,” sagot sa amin ni Gelli de Belen kung alin ang mas ‘mahal’ niya, ang hosting or acting, since kilala si Gelli na mahusay na aktres at host.

Kung papipiliin siya ng isa lamang…



“Eeeee,” at kunwaring naiiyak si Gelli, “mahirap, mahirap.

“Magkaibang-magkaiba yung pagmamahal ko sa kanila, e.”



Bakit pareho niyang mahal ang pag-arte at paghu-host?

“Kasi madaldal ako! Sayang naman,” at napahalakhak si Gelli.



“Might as well. Di ba it’s really fun, nag-e-enjoy akong mag-express ng sarili ko, nag-e-enjoy ako na malaman kung ano’ng nangyayari sa mga kung sinu-sino.

“Parang tsismosa ako, ganun. Parang doon ako enjoy.”

Sa akting naman?

“Sa akting naman siyempre parang passion ko na yun dahil gusto kong, you know lahat ng babae di ba, gustong parang… umarte.

“Gusto nating paminsan-minsan iba naman yung reyalidad natin,” wika pa ni Gelli.

Sa ngayon ay sa hosting ang focus ni Gelli bilang isa siya sa mga host ng public service program na Si Manoy Ang Ninong Ko  kasama sina Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes at Agri Party-list Representative Wilbert Lee.

Napapanood ito tuwing Linggo, alas siyete ng umaga sa GMA.

***

MAGANDA raw ang sitwasyon sa pagitan nina Joem Bascon at Willie Revillame bilang magbiyenang “hilaw”; “hilaw” dahil hindi pa kasal sina Joem at anak ni Willie na si Meryl Soriano.

Lahad ni Joem, “Masaya naman po, pero now hindi namin siya masyadong nakikita kasi masyado pa po yatang busy.

“Waiting lang naman po ako kay Meme, pag nagsabi naman po si Meme na dadalawin namin si Papa niya, iyon.”

Sobrang busy raw kasi si Willie kaya malamang this year nila pasyalan ang comedian/host.

“Hihintayin ko lang kung ano ang sasabihin ni Meme, oras na sabihin niya na dadalaw kami, dadalaw na kami.

“Busy kasi siya [Willie] palagi, alam niyo naman iyon, palaging maraming tinutulungan,” wika pa ni Joem.

Samantala, hindi maarte si Joem sa mga role sa telebisyon o pelikula, kaya kahit suporta lamang siya, tulad sa Asawa Ng Asawa Ko ng GMA na isang rebeldeng si Leon ang papel niya ay ayos lamang sa kanya.

“Hindi ako mapili. Hindi na ako namimili ngayon, kung ano ang ibigay sa akin, gagampanan ko na maayos.”

Sa Asawa Ng Asawa Ko ay lead stars din sina Rayver Cruz as Jordan, Jasmine Curtis-Smith as Cristy, Liezel Lopez as Shaira at Martin del Rosario bilang Jeff.

Tampok din sa Asawa Ng Asawa Ko sina Gina Alajar as Carmen, Mariz Ricketts as Pusit, Jennifer Maravilla as Sawa, Kzhoebe Baker as Tori, Quinn Carillo as Leslie, Patricia Coma as Pusa, Luis Hontiveros as Alakdan, Kim de Leon as Kuwago, Crystal Paras as Nonette, Billie Hakenson as Buwaya, Ian Ignacio as Igat, at Bruce Roeland as Bakulaw.

Sa direksyon ni Ms. Laurice Guillen, ang Asawa Ng Asawa Ko ay umeere weeknights 9:35 pm sa GMA Prime.