Catriona ayaw na matanong hinggil kay Sam; Bea at Julia plastikan ang pagbebeso nang magkita sa event?
Advertisers
Ni BETH GELENA
ALL Is well that ends well na nga ba kina Bea Alonzo at Julia Barretto?
Naispatan ang dalawang past at current girl ni Gerald Anderson na nagbeso-beso nang magkita sa tribute party para sa Starmaker na si Mr. M (Johnny Manahan).
Sabagay, matagal na rin naman ang isyu sa kanila at maliit lang ang mundo ng industriya para hindi magtagpo ang dalawang aktres.
Komento nga ng netizens, “Kung sina Kim at Maja nagkabati although hindi na katulad ng dati ang friendship cguro kaya din nila maging civil.”
“Well, people heal. Tagal na kasi ng issue. Isa pa I find Julia the type na parang yung batang bigyan mo ng lollipop okay na sya. I’m not saying she is uto uto ha pero bata pa talaga sya lalo na when the issue happened mabilis pa ma-manipulate tas ibang sangkot which is B and G laki ng tanda sa kanya wala dehado sya sa experience. Sana she learned from it now that she is older.”
“Plastikan 101”
“walking tupperware mga yan”
May natuwa naman sa gesture na ginawa ng dalawang female celebrities.
‘Really glad that this happened. Sabi nga, the past is a place to learn from, not to live in.”
“Julia Is pretty while Bea is hot.”
***
TV5 NA BAHALA NA MAPAPANOOD ANG IT’S SHOWTIME SA GMA-7; AGAD NAKIPAG-MEETING KAY KUYA WIL
BALIK na umano si Willie Revillame sa TV5.
Magiging back-to-back umano ang programa ni Kuya Wil sa TVJ, ang Eat Bulaga.
Mukhang naalarma raw kasi ang head ng TV5 na si Manny V. Pangilinan, sa malakas na bulung-bulungan na ang It’s Showtime ang ookupa sa timeslot na iniwan ng Tahanang Pinakamasaya sa GMA-7.
Nitong Friday, nakipag-meeting na ang TV host sa Mandaluyong Office with Mediaquest and Cignal president Jane Basas, TV5 President Guido Zaballero, Mediaquest CFO John Andal at Cignal VP for channel and content Sienna Olaso.
Kasama ni Kuya Wil na humarap sa managent si Abogado Enrique “Buko” Dela Cruz ng Divina Law which also represented TVJ in their successful court case to regain control of their creation, Eat Bulaga.
Ayon sa Babbler, expected umanong pipirma ng kontrata si Kuya Wil sa TV5 to co-produce a variety game show sa time na 2:30 p.m.
to 4:30 p.m. slot.
Sa TV5 napunta ang programa ng TV host after he left ABS-CBN nung 2010 bago siya napunta sa GMA nung 2015.
Ayon pa sa Babbler, strategic move umano ito ni Pangilinan nang may rumor na planong sa GMA Network na eere ang It’s Showtime ng ABS-CBN.
Una ring napanood sa TV5 ang noontime show nina Vice Ganda nung wala na silang prangkisa.
Nakumbinse ni
Pangilinan ang TVJ na sa TV station nila ipalabas ang Eat Bulaga nang magkaroon na ng isyu ang Tape, Inc. at ang TVJ.
That time ay okupado ang IS ang 12 p.m. slot at hindi pumayag ang
ABS-CBN na i-move sila sa hapon.
Nag-decide silang irelocate ang show sa GMA’s affiliate channel, GTV para manatili sa prime noontime ang It’s Showtime.
Tapos na rin naman daw ang kontrata ng ABS-CBN that time sa TV5 kaya wala na rin naging problema ang magkabilang kampo.
May nagsasabing, “parang di sila ok ni MVP. Di smooth pag alis niya sa 5, pero desperate si MVP since co- owner na siya ng EB. Yung ratings ng EB hindi na promising these past few months, makalamang lang ang lapit. Nakakalamang na Showtime madalas lalo na nung nawala ang TAPE show. Lalong lalakas lalo na at ilalagay na sa main channel. Nakakapalag ang Tahanang Pinakamasaya before hindi dahil maganda show nila kasi sa reach ng GMA at sa constant viewers ng network na nag-aabang ng show ni Jillian Ward. Afraid si MVP lalo na at super lakas ng afternoon prime ng GMA, gusto niya mabago at mapunta sa kanila ang viewers ng afternoon prime pero I doubt it, GMA knows kung sino viewers nila sa hapon. Ang lakas pa lalo nila lalo na yung bagong show ni Jo Berry, yung abugado siya. Nauungusan o pumapantay na sa Abot Kamay pati yung Makiling malakas. Let’s see.”
***
SA event para kay Catriona Gray, nagpatiuna agad siyang wala raw magtatanong about sa relasyon nila ni Sam Milby.
Mas prefer na lang daw nilang pag-usapan ay tungkol sa isyu ng Miss Universe at sa produkto na kanyang ini-endorso.
Year ago ay inanunsiyo nina Sam at 2018 Miss U na engaged na sila.
Pero, pagpasok nitong taon ay may rumors na kumakalat na nagkakalabuan ang celebrity couple.
May nakapansin kasing hindi na suot ng former beauty queen ang engament ring nila ng Fil-Am actor kaya ang espekulasyon ng netizens ay hiwalay na sila.
But despite the break up issue ng celebrity couple, tinag ni Cat ang boyfriend sa kanyang post at na-ispatan pa rin silang magkasama sa isang event at bonding moments nila kasama ang mag-asawang Isabel Oli at John Prats.
Naglabas na rin ng statement ang Cornerstone, ang management company nina Sam at Cat na may problemang inaayos ang couple, pero hindi sila hiwalay.
Sa interbyu ni MJ Marfori, sinabi niyang hindi pa rin daw suot ni Cat ang engagement ring nila ni Sam.
“But prior to the interview, it was nice enough of her team to courteously relay that enough had been shared about her and Sam, and that she was just grateful to talk about all other issues that would be of more concern,” wika ni Marfori.
Ang isa sa sinagot ng beauty queen sa interview ay ang viral video ng Miss Universe Organization owner co-owner Anne Jakrajutatip.
Ayon dito kailangan daw ay may inclusivity sa pageant, just a form of “communication strategy.”
“Like yes, we’re inclusive, but just for the look of it and sana na-embrace naman nila. Inclusivity is not a token thing. It is something that needs to be embraced,” wika ni Gray.
***
ANNE PINAPAK NG LANGGAM
May post si Anne Curtis kung saan nasa Isla Cabana siya sa Siargao.
Month ng summer kaya naman halos ng celebrities ay pumupunta sa beach tulad ni Anne.
Sa post ng TV host/actress ay hindi siya sa buhanginan nagsa-sunbathing kundi sa isang puno ng niyog.
Medyo nakahiga ang puno kaya doon dumapa ang mommy ni Dahlia.
Nang biglang nakakilos si Anne at napasabing, ‘ay may langgam sht’
Mabuti na lang hindi nahulog ang TV host.
Ang caption niya, “see the line where the sky meets the sea? It calls me and also the langgam.”
Nakagat ng langgam ang TV host habang nakadapa sa puno kaya rinig sa video ang ‘ay may langgam”
Nagreak si Sofia Andres, “Ant Curtis.”
Sabi naman ng isa, “Pano yung ayy may langgam sht? Hahaha”
Isa naman ang nagkomento na “puro ka gala ateeeng.. madalas wala ka sa showtime.”
Pinagtanggol naman si Anne ng kanyang tagahanga.
“Hayaan mo siya importante anak at asawa niya, saka afford at deserve na deserve naman niya”
Naroroon daw naman si Anne dahil nagtatrabaho ito.
“She wa there for work. Shoot for blk cosmetics.”
“Natawa naman ako dun sa “ay may langgam sht”
“And no one knows how far the langgam will goes”
“Sana naging langgam na lang ako”
“Anne Curtis versus Ant Curtis hahaha”