Advertisers

Advertisers

4 drug suspects, timbog sa P200K shabu

0 34

Advertisers

Kulong ang apat na drug personalities nang  makuhanan ng mahigit P200k halaga ng droga sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng gabi.

 

Sa report ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) Chief P/Major Jeraldson Rivera kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities na si alyas “Merlan”, 34, tricycle driver kaya isinailalim nila ito sa balidasyon at nagpositibo.

 



Ikinasa ng DDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek 9:05 sa Bacani St., Brgy. Marulas.

 

Kasama rin dinakip ng mga operatiba sina alyas “Vicente”, 33; alyas “Wet”, 34; at alyas “Kongkong”. 19, tricycle driver, mga residente ng Brgy. Marulas nang maaktuhan ng mga pulis sa loob ng naturang bahay  habang gumagamit ng droga.

 



Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 30 grams ng shabu na may price value na  P204,000, buy bust money money, cellphone, weighing scale at ilang drug paraphernalias.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">