Advertisers

Advertisers

Taxi driver hinoldap ng pasaherong ‘pulis’

0 16

Advertisers

HINOLDAP ang isang taxi driver ng kaniyang pasahero na nagpanggap na pulis, na nahuli naman ng taumbayan sa Pasay City.

Sa ulat, ipinakita ng taxi driver ang kaniyang sira-sirang damit at natamong sugat sa tagiliran bilang ebidensya ng pangho-holdap sa kaniya ng pasahero.

Ayon sa taxi driver, sumakay ang lalaki sa Pasay Rotonda. Habang nasa biyahe, tinutukan siya nito ng kutsilyo, at pilit na kinukuha ang kaniyang cellphone at pera.



“‘Yung cellphone ko nasa dashboard. ‘Akin na ‘yung cellphone,’ ika niya. Gumagana naman ‘yung isip ko.

Sabi ko, ‘Hawak mo ako eh. Paano ko maaabot? Tsaka naka-seatbelt ako.’ ‘Sige na, bilisan!’ Tinutukan niya ako. ‘Tutuluyan kita,’ ika niya,” kuwento ng biktima.



Saktong may dumadaang dalawang tao, kaya binuksan niya ang kaniyang pinto at kinuha ang kanilang atensyon.

Dahil dito, tumakbo ang holdaper. Sinundan naman siya ng biktima na muling nakasakay ng kaniyang taxi.



“Binababa ko ‘yung bintana ko, binuksan ko habang tumatakbo. Nagsisigaw na ako ng ‘hold up, hold up! Tulong!’”, anang biktima.

Naalerto ang taumbayan kaya hinabol din nila ang lalaki, na bugbog ang inabot nang makorner.

Saad pa ng biktima, nagpakilala pang pulis ang salarin nang bugbugin siya ng taumbayan.

Sinabi ng barangay na madalas talaga ang mga holdapan sa lugar.

Na-recover sa lalaki ang kutsilyong ginamit sa panghoholdap, at ang cellphone at pera ng taxi driver.