Advertisers

Advertisers

P13.3 BILYONG SHABU, NASABAT DAW

0 31

Advertisers

PORMAL nang umupo bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) si General Rommel Francisco Marbil noong unang araw ng buwan ng Abril 2024.

Ang ika-30 hepe ng PNP na kabilang sa Philippine Military Academy (PMA) Class 1991 na nakatakdang magretiro sa susunod na taon maliban na lamang kung palawigin ng Malakanyang ang serbisyo nito.

Magugunitang inihayag ng Marbil sa kanyang kauna-unahang ‘Press Conference’ na hindi nito kursunada ang paggamit ng ‘War on Drugs’ dahil dati na umano silang may giyera laban sa iligal na droga sa bansa.



Makalipas ang halos dalawang linggo sa kanyang trono ay naiulat ang tila kidlat na higit-kumulang dalawang tonelada ng shabu ang nasabat daw ng mga operatiba PNP sa bayan ng Alitagtag sa Batangas.

Takbo naman sa eksena ang ilan pang opisyal ng gobyerno na tila handang-handa na humarap sa publiko kung papansinin ang kanilang mga kasuotan maging ang kanilang mga naging pahayag patungkol sa naturang insidente.



Ilang beses nang natunghayan ang mga ganitong operasyon ng PNP tuwing mayroon silang bagong hepe na maging sa ibang mga ahensiya ng gobyerno ay ganito rin ang nangyayari kapag mayroon bagong nakaupo sa trono.

Ang ‘checkpoint’ ay may pamantayan na dapat sundin ng mga pulis dahil kapag hindi ito nasunod ay tiyak na absuwelto ang kaso pagdating sa piskalya pa lang o sa hukuman lalo kung magaling ang abogado.



Kung totoo ang nabanggit ng mga kumalawit sa drayber ng sasakyan kung saan lulan ang P13.3 bilyong halaga ng shabu, ‘technical’ ang aabutin marahil ng mga ito dahil ‘plain view’ o bawal maghalungkat ng gamit kapag ‘checkpoint’.

Hindi gagawin ng mga pulis na halungkatin ang sasakyan kung walang lumabas sa tawas ng kanilang albularyo na may lulan itong sankaterbang shabu kaya hinalungkat ang sasakyan.

Pero sa makulimlim na bayan pa talaga ng Alitagtag sinakote samantalang puwede naman itong sundan hanggang doon sa lugar kung saan ito dadalhin ng drayber para sana ‘bangus’ ang nasakote, hindi ‘dilis’. Esep esep, taumbayan!

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com