Advertisers
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec.11 Art ll of RA 9165 ( Illegal Possession of Dangerous Drug Act of 2002 at pagkumpiska sa humigit kumulang 17 grams ng shabu sa isang pintor sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan Police Chief PCol.Ruben Lacuesta ang suspek na si alias ” Remuel”, 48, pintor ng Ph 8A Blk 171 Lot 3, Pkg 12, Bagong Silang Caloocan City.
Naaresto ang suspek sa kahabaan ng Bagumbong Road, Barangay 171 ng lungsod 2:00 ng madaling araw ng Linggo.
Nakumpiska sa suspek ang 17 grams ng shabu na may standard drug price na P115,600.00.(Beth Samson)