Advertisers
HINAHANTING ngayon ng pulisya ang isang Grade 10 student nang saksakin ng ice pick at mapatay ang kainuman na umawat lamang sa away ng mga kanataan sa Silang, Cavite, Lunes ng umaga.
Isinugod sa Silang Specialist Medical Center (SSMC) ang biktima na si alyas “Kev”, 29 anyos, isang construction worker at residente ng Barangay Biga 1, Silang, subali’t idineklarang dead on arrival dahil sa saksak sa dibdib.
Ang salarin, isang Child-in-conflict with the law (CICL), 16 anyos at Grade 10 student ng Barangay Adis sa Silang.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang biktima, salarin at ilan pang kabataan 12:50 ng madaling araw sa Barangay Bigae nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa usapan ang salarin at mga kainuman.
Dahil ang biktima ang nakatatanda sa grupo, tumayo ito at sinikap payapain ang awayan ng mga kasamahan. Ikinagalit ito ng salarin at agad dinampot ang ice pick sa lamesa at pinagsasaksak ang biktima.
Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang tumakas na salarin.