Advertisers
Sinunog ng 32-anyos na babae, ang kanyang sarili na nagsanhi ng kanyang pagkamatay kasunod ng matinding away nito at ng kanyang boyfriend noong Biyernes.
Naganap ang naturang kakaibang insidente, na nagsanhi sa pagkamatay ni Jelly Rose Levita Cabang sa Boulevard area sa Ozamiz City sa Misamis Occidental.
Kinumpirma ang mga opisyal ng lokal na pulisya at mga kamag-anak ni Levita ang kanyang ginawang pagsunog sa sarili gamit ang gasolina.
Ayon sa mga kamag-anak, si Levita, residente ng Barangay Aguada, Ozamiz City at may isang anak, matagal ng may problema at madalas na maka-away ang magkasintahan na lumisan na bago nito sinunog ang kanyang sarili na nagsanhi ng kanyang kamatayan.