Advertisers

Advertisers

Shaina buntis na kay Piolo?

0 33

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NOON pa man ay usapan na ang isang post sa social media na nagpakasal na raw sina Shaina Magdayao at Piolo Pascual makalipas ang ilang taon.

Sa kabila ng naisyu kina Shaina at Piolo, wala  namang pagkumpirma sa kampo nila na nagpatotoo na nagpakasal na ang dalawa.



Sa mga kumalat na isyu ay tahimik lang ang bawa’t kampo.

Marami ang naman knows na naging malapit sa isa’t isa sina Shaina at Piolo.



Hanggang wala na ngang update hanggang kumalat na ikinasal na last year sina Shaina at Piolo

At isa pa sa kumalat na tsika ay preggy na nga raw si Shaina sa panganay nila ni Piolo.



Maraming nag-wish na sana true dahil nagkakaedad na rin daw si Shaina.

Wala namang magagawa ang buong universe kung nagkakamabutihan ang dalawa.

Hintayin na nga lang daw na sa dalawa manggaling ang pagkumpirma sa mga tsikang ibinabato kina Shaina at Piolo.

***

Ipe serbisyuhan muna ang anak na si Josh bago ang mga Pinoy

SA pag-endorso ng dating PRRD sa aktor na si Phillip Salvador bilang kaanib sa PDP na kasama sa senatorial line up.

Kaya labis ang pasasalamat nito sa dating Pangulong Digong sa binigay na tiwala at suporta sa kanya.

Epektibo nga raw ito na magserbisyo sa Pilipino na tila dito na nga inulan ng batikos si Ipe.

Kaya banat ng netizens kung ang anak nga raw nito na si Joshua ay di nito naserbisyuhan ng bonggang bongga, ang taong bayan pa kaya?

Dagdag kuda pa na pilit na bumabatikos kay former PDu30 ay hinihayag nito at nananalangin pa na “Mamatay kayong lahat na bumabatikos!”

Kaya nakatikim na naman ito ng banat sa netizens na huwag na nga raw ito tumakbo at makakasama nga raw ito sa Lotlot and Friends dahil sa talas ng dila na manang mana sa kanyang iniidolo.

Susog pang pahayag ni Ipe na kung mahal nga raw ng marami si Digong, ang aktor ay handa namang ibigay at ialay ang buhay sa dating Pangulo.

Kaya hirit pa ng netizens na bakit di na lang daw ito mag-bodyguard kay Digong.

Mag-barangay tanod na nga raw muna si Ipe bago pa mag-ambisyon sa senado.

Well, well, well…Yun na!