Advertisers
Ni FAVATINI SAN
MALAPIT na mapanood sa free Tv ang game show ni Willie Revillame na Wowowin. Aba, masaya ang may 16M Facebook followers at may walong million subscribers sa naturang game show ni kuya Wil.
Pagkatapos na ipahinga ang kanyang show ay sa digital platform (Facebook at Youtube) na ito napapanood ng kanyang followers/subscribers. Matinding pinag-aralan ni Kuya Wil ang alok ng Kapatid Network na nanggaling na siya sa TV5 e, nagpagawa pa siya ng sariling studio nuon sa Delta theater.
Kung inyong natatandaan, matapos ang kontrata sa GMA7 ay di siya nag-renew, mas pinili niya ang alok ng AllTV na pag-aari ni Manny Villar.
Inaayos pa ang Manuela theater sa Crossing, Mandaluyong ay nahinto na ang pag-eere ng mga show sa AllTV. Well, gan’un na ang negosyo sa telebisyon…laging may surpresa sa mga televiewers.
Ating abangan sa Mayo 11 (kung walang pagbabago sa pag-eere) ang Wowowin na kasunod daw ng noontime show na Eat Bulaga.
Sinu-sino kaya ang mga makakasama na female co-hosts?
***
ATTY. FERDIE TOPACIO, MAY FREE LEGAL SERVICE
WALANG kapaguran si Atty. Ferdie Topacio. Kahit abala sa paghawak ng kaso sa mga high profile personality ay may oras pa rin siya na humawak ng talents sa Borracho artists talents.
Aktibo rin ang kanyang film production. Pagkatapos ng “Mamasapano” ay nakatapos siya ng isang pelikula na kinunan pa sa Prague.
Naging masaya ang media night sa National Press Club na nagpakilala siya na tatakbong independent bilang direktor. Nagpaunlak ng mga song number ang kanyang mga talento na sina Sean Raval, Elle Fernandez, Jesy Vidal at Stella Blanca.
Nagpaunlak din si Atty. Topacio ng dalawang awitin. Pangako niya sa mga press na kung sakaling siya ay mananalo, nakatitiyak daw ang mga kapwa niya mamamahayag na libre ang kanyang legal service para sa mga kakasuhan ng libelo. Ngayong Lunes, Abril 29, magkakaroon siya ng miting de avance sa NPC. Sa mga regular at lifetime members may advance voting sa May 3 (Biyernes) at Linggo (May 5).