Advertisers
Kulong ang dalawang drug suspects nang makuhanan ng mahigit P200,000 halaga ng droga nang maaresto ng Caloocan PNP sa buy bust operation Linggo ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Emey’, 62, ng Morong Rizal at alyas “Saya”, 20 ng Malabon City.
Sa report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nagsagawa ang mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Tangke Road, Brgy. 157 kung saan isang pulis ang nagawang makabili sa mga suspek ng P6,500 halaga ng droga.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 31 grams ng shabu na may katumbas na halagang P210,800.00, buy bust money at itim na coin purse.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerus Drug Act of 2002.(Beth Samson)