Advertisers

Advertisers

Heaven nagtapat sa tatlong pinaka-sweet na nagawa ni Marco

0 15

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

KILALANG-kilala si Jose Manalo bilang si “Mayor” sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga! kaya tinanong namin si Jose kung sa tunay na buhay ba ay may plano siyang pasukin ang pulitika?
“Hindi,” pakli ni Jose.
May mga nag-alok na sa kanya na tumakbo.
“Marami!”

Bakit ayaw niya?
“Ang sarap ng buhay ng walang kagalit, e! Kasi pag nag-pulitiko ka, lalo na mag-uumpisa ka dun sa Chairman, papanhik ka, Konsehal, Mayor, blah, blah, blah, hindi mo alam yung kaharap mo, ‘Ano ba ‘to, akin ba ‘to?’
“Ang sarap nung wala kang kalaban.
“Gusto kong mag-serve kaya ang ginagawa ko, iyon ang lagi kong pinapanalangin, ‘Lord, gamitin mo ako. Gamitin mo kami.



“Gusto kong mag-serve. Meron naman other way na para makapaglingkod ka sa bayan mo na hindi ka papasok sa pulitika.
“Which is eto na yun, yung pagpapatawa at pagpapasaya namin sa mga tao.
“Ang importante lang naman, bakit ka ba tumatakbo? Para bigyan mo ng kaligayahan ang mga tao.
“Eto yun. Eto yung return na binibigay natin.
“Ang pulitika kasi napakahirap, talking about politics and religion mahirap.”
Kaya never daw papasok si Jose sa pulitika.
“Ayan alam ni Wally [Bayola] yan, kahit pag nagsu-shooting kami sasakay ng sasakyan, ako magda-drive manual, hindi ko kaya. Hindi ko kaya, inaamin ko agad hindi ko kaya.
“Si Wally, nakakapag-[manual], siya magda-drive.

“Ibig kong sabihin hindi kami sumusubo sa isang bagay na hindi namin kaya. Kagaya sa Manila, pag may kumukuha sa amin, malaking event, hosting. Host kami sa Bulaga alam namin kung paano kami mag-host, kung ano’ng klaseng host.
“Kasi alam naming hindi namin forte. Sa ganung hosting kailangan the way you pronounce, lahat, hindi kami iyon, e.
“Comedian kami, iyon ang forte namin.”



***
TINANONG si Heaven Peralejo kung ano ang tatlong pinaka-sweet na ginawa ni Marco Gallo sa kanya.
“One is when we were in Siargao, actually,” umpisang sinabi ni Heaven.
“It was super-cold gabi na tapos wala akong dalang blanket and nasa beach kami, sobrang lakas ng hangin and so, kahit lamig na lamig siya wala siyang damit kasi ibinigay na niya sa akin.
“So mga little things like that.
“Second siguro yung sa movie, ah binigyan niya ako ng coffee tapos nagulat na lang ako nakalagay doon, ‘For Tita Babes’” at tumawa si Heaven. “Sobrang cute!

“And then third… oh gumawa siya ng pasta, gumawa siya ng pasta pero hindi ako nakakain kasi siya ang kumain, si direk, direk I hate you,” tumatawang sinabi ni Heaven sa direktor nilang si Gino Santos.
Ipalalabas ngayong May 1 sa mga sinehan ang pelikula nina Heaven at Marco, sa direksyon ni direk Gino, ang Men Are From Heaven, Women Are From Alabang.
Base sa best-selling book ni Stanley Chi na may kaparehong titulo, ang Men Are From QC, Women Are From Alabang ay mula sa Viva Films at Sari Sari, MQuest Ventures, Studio Viva at Epik Studio at mapapanood sa mga sinehan sa May 1.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">