Advertisers

Advertisers

BELL KENZ ‘DI MULTI LEVEL MARKETING

0 14

Advertisers

ITINANGGI ng kompanyang Bell Kenz Pharmaceutical, Inc. ang akusasyon na sangkot sila sa Multi Level Marketing Scheme sa bentahan ng kanilang mga gamot.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Health ni Senador Christopher “Bong” Go, sinabi ni Bell Kenz CEO Dr. Luis Go na sumusunod sila sa regulasyon ng health industry sa bansa alinsunod sa ethical standard.

Layunin ng kanilang kompanya na makapagbigay ng affordable at quality medicine partikular na para sa hypertension, diabetes at coronary diseases.



Giit ni Dr. Go, walang komisyon silang ibinibigay sa mga doktor.

Pinagbantaan ito ni Senator Raffy Tulfo na ipakukulong kung magsisinungaling siya dahil may mga ebidensya umano itong mga cheque galing sa Bell Kenz na ibinayad sa mga doktor.



Kalaunan ay umamin din si Go na nagbibigay sila ng “incentive” sa mga doktor na nagrereseta sa kanilang gamot. Pero wala silang ibinibigay na cash, mamahaling sasakyan o mamahaling relo, kundi pagdalo sa mga local at international conference ng mga doktor at kung minsan mga equipment.

Ayon naman kay Secretary Ted Herbosa, hindi bawal na mag-sponsor ang pharma companies ng mga doktor na pupunta sa mga conferences local at international basta ito ay nakadeklara sa Food and Drug Administration na hindi ginawa ng Bell Kenz Pharma, Inc.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">