Advertisers

Advertisers

Lastikman costume ni Bossing Vic type bilhin ng vlogger na si Boss Toyo

0 16

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMING naaliw na netizens at fans ni Heart Evangelista nang sumagot ito ng tanong ng isa niyang tagahanga.

Halos lahat ng fans ay naaliw sa sagot ng fashion icon.



Sa kanyang socmed ay may mga question na talagang tawang tawa sa reply ng esmi ni Chiz Escudero.

Ang tanomg naman kasi ay ano nga ba or paano nga raw umutot ang mga sosyal.



Kakaiba ang sagot ni Heart, ang mga sosyal nga raw kapag umutot ay pareho rin ang amoy tulad sa mayaman.

Ang pagkakaiba nga lang daw ang mga sosyal kapag umutot, sabay ng pagsingaw ay nag- i-spray na ng mamahaling pabango kaya mangingibabaw na ang bango ng perfume kaysa ang pag-alingasaw ng utot.



***

HINDI ikinaila ng Pawnstars Vlogger na si Jayson Luzada o mas kilala na Boss Toyo na idol nito ang TV Host- comedian na si Bossing Vic Sotto.

Halos lahat daw ng celebrities ay nabenta na ang kung anu anong gamit nila na may sentimental value sa kanilang buhay.

Di na rin mabilang kung ilang artista ang nagbenta kay Boss Toyo.

Sa kabila na marami nang artista na nagbenta sa Pawnstars vlogger, aba may tinatarget pa rin ito na mabili sa katauhan ni Bossing Vic.

Isa  kasi na target ni Boss Toyo na mabenta sa kanya ni Bossing ay ang costume nito ng Lastikman.

Dream come true nga raw kay Boss Toyo na mapabilang ang Lastikman costume sa kanyang mga collection dahil super idol niya ito nang bonggang bongga.

Magkano naman kaya ang bentahan ni Bossing Vic ng kanyang Lastikman costume if ever magkasundo sila sa presyo?

Well, well, well… ‘Yun na!