Advertisers

Advertisers

Heart nagmukhang kontrabida sa pekeng pagtawa

0 6

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PINUPULUTAN ngayon ng mga marites ang viral TikTok video ni Heart Evangelista.

Nagpasampol kasi ang Kapuso actress at fashionista kung paano raw tumawa ng mga alta o mga babaeng belong sa rich or affluent family.



Sa simula, may pahawak sa dibdib pa ang aktres na idinemonstate kung paano ang galawang society girl.

Bagama’t may mga naaliw sa kanyang pagtawa, meron namang mga netizen na inokray ang asawa ng senador.



Sey nila, obvious daw na inookray ng aktres iyong mga feelingerang alta.

May mga nagsasabi ring nagmukhang kontrabida si Heart sa kanyang ‘rich girl laugh.’



May mga nagmamaldita pang nag-opinyon na pineke niya ang kanyang pagtawa samantalang may iba namang na-appreciate ang pagpapakatotoo ng aktres base sa kanyang mga naoobserbahan at naranasan.

Hindi naman kasi maikakailang galing sa nakaririwasang pamilya si Heart.

Ito naman ang komento ng ilang kibitzers.

“Nagmukha siyang kontrabida sa mga soap opera.”

“Epekto ba iyan ng panonood niya ng K dramas.”

“Guys, sinasabi lang niya na ganyan tumawa ang mga alta. To the point na de numero  at nagmumukhang fake o plastic.”

“She’s still classy and rich kahit anupang sabihin ninyo.”

“Laugh as if nobody’s watching. Nagpapakatotoo lang siya.”

“Di kaya ni Pia Wurtzbach iyan. Kasi, si Heart comes from a dirty old rich family.”

“Sinampulan naman niya si Pia. You can’t buy class talaga.”

“She’s not trying hard to behave as rich because her family is filthy rich.”

“Born with a silver spoon, she’s talking from her experience.”

“Ano kaya ang reaksyon ng mga alta at mga  feelingerang alta?”