Advertisers
UMAKYAT sa 3.8 percent ang inflation rate ng bansa para sa nakalipas na buwan ng Abril.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang nasabing figure ay bahagyang mataas kumpara sa 3.7% na naitala noong buwan ng Marso.
Ang inflation rate ay paraan ng pagsukat sa bilis ng pagmahal ng mga produkto at serbisyo sa partikular na lugar at panahon.
Sinasabing ang matinding epekto ng El Niño phenomenon ay nagkaroon ng malaking ambag upang tumaas ang gastusin ng mga mamama-yan.
Pero una nang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pasok pa rin sa kanilang forecast ang nasabing inflation rate.