Advertisers
PINOSTE ng University of Santo Tomas ang isa na namang upset laban sa top-ranked Far Eastern University, 25-18,21-25, 26-24, 26-24 Miyerkules sa UAAP Season 86 men’s volleyball Final Four sa Smart Araneta Colesium para sumulong sa finals.
Ito ang unang pagkakataon sa panahon ng Final Four ng volleyball na ang No.4 team ay nakamit ang slot sa finals.
Makakaharap ng UST ang National University sa rematch ng nakaraang season’s finals.
Josh Ybañez may 19 points,habang si Gboy de Vega, na pinarusahan ng red card sa second set dahil sa “ intentional fake serve,” may 18 points para sa Golden Spikers na kinumpleto ang sweep sa halip na a twice-to-win disadvantage.
Samantala, Dryx Saavedra, may 20 points para sa Tamaraws.
Dahil sa panalo, ang Golden Spikers ay makakasama ang Golden Tigresses sa finals stage ng kanya-kanyang division na ang dalawang team ay parehong puntirya ang gold sa UAAP volleyball ngayon season.