Advertisers

Advertisers

P.J. Washington pinamunuan ang Mavericks sa 2-1 vs Thunder

0 3

Advertisers

KUMAMADA si P.J Washington ng 27 points upang pamunuan ang opensa ng Dallas Mavericks sa 105-101 wagi kontra Oklahoma City Thunder sa Game 3 ng kanilang Western Conference semifinals series Sabado ng gabi sa American Airlines Center sa Dallas.

Nangunguna ang Dallas sa series 2-1, nagwagi ng dalawang magkasunod na laro.

Washington ay umiskor ng 56 points kasama ang nakaraang dalawang games at nagsalpak ng pinagsamang 12 3-pointers, kabilang ang limang Sabado.



Kyrie Irving umiskor ng walo sa kanyang 22 points sa fourth quarter, kabilang ang anim sunod sunod na Mavericks points na maaga sa quarter para palawakin ang bentahe sa nine sa walong minutong nalalabi.

Shai Gilgeous-Alexander pinamunuan ang Thunder sa iniskor na 31 points at 10 rebounds, going 10-of-23 mula sa kapatagan.

Doncic nagdagdag ng 22 points at 15 rebounds, at 7-of-10 mula sa free-throw line.

Williams bumakas ng 16 points,Chet Holmgren may 13 points, eight rebounds at four blocks at tatlo sa unang yugto, habang si Isaiah Joe nag-ambag ng 13 points, naipasok ang 3 sa kanyang 4 na attempts mula sa 3-point range.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">