Advertisers
May nakakatuwang pangyayari sa mini- camp ng LA Lakers sa Slovenia ang naging viral.
Isang araw ay nag-boat ride ang team sa Ljubljanica River habang ang mga tagahanga ay nakalinya sa tabing- ilog at pinanonood silang nag-eenjoy.
Sa tuwa ni Jared Vanderbilt sa mga tao ay naghagis siya ng isang Laker shirt sa direksyon nila. Kaso kapos ang pagbato niya ng damit. Sa tubig nalaglag. Hayun isang masugid na tagasubaybay ang tumalon sa ilog upang kuhanin ang jersey.
Pinalakpakan siya pero nakantiyawan naman si Vando. Kesyo pareho raw ito ng lay-up at tres ni Jared na sablay.
Na-upload ito ng bagong teammate nilang si Jaden Hardy.
Tunay nga namang nakaaliw sa lahat ang eksena.
***
Nakamit ni James Arconado ang unang puwesto sa 10k male category ng Naga leg ng Angat Bayanihan Run. Ginanap ito sa maogmang lugar noong ika-16 ng buwang kasalukuyan.
Tinanggap ni Arconado ang kanyang gantimpala mula mismo kay Mayor Leni Robredo na tuwang- tuwa sa patakbo sa siyudad.
Nakalikom ng isang milyong piso ang event para sa mga proyekto ng alkalde sa lungsod.
Narito ang listahan ng iba pang nanalo.
10k Female -Kryssia Veil Ibarrientos.
5k Male -Carl James Ibatan
5k Female – Conie Rombaon.
3k Male- Kevin Monge.
3k Female – Aiza Mendes.
Mabuhay kayo pati ang libo- libong kalahok sa makabuluhang takbuhan.
Ang susunod na yugto ay ang sa Iloilo tapos sa,GenSan. Abangan!
***
Ang sinapit na kamalasan ng SGA na team sa Jones Cup ay masasabi nating part of the game.
Kung biglang iniba ng organizer ang format ng last minute ay pwede pa rin naman umatras ang koponan.
Kaso nandoon na raw sila sa Taiwan nang ipinabatid sa kanila ang pagbabago. Kahiyaan na at sayang gastos. Kaso sila ang pinakaapektado ng krusyal na ruling kaya sila rin pinakamaingay.
Marahil kung hindi sila na- eliminate ay hindi sila magrereklamo ng todo.
Mahirap talaga na masyadong nasusunod ang host ng torneo.
Pati sa Asiad at SEA Games pabor talaga ang mga alitutunin sa host ng event.